Ito na ata ang pinakamalungkot na kanta na narinig ko tuwing Linggo sa radyo. Ang lungkot ng kwento nung kanta, masasabing lahat ng kanta dati pinag iisipan talaga ng sobra at nakakagawa ng kwento at higit sa lahat nakakagawa ng imahinasyon ang taong nakikinig dito.
Tatalakayin natin ang liriko ng nasabing kanta.
Ako’y naririto Nagbabanat ng buto.
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano.
Anong hirap talaga ang kumita ng pera.
Kakapal ang ‘yong kamay Masusunog pa ang kulay.
Sa aking pagtulog Ang daming iniisip.
Bumilis na ang araw upang ako’y makabalik Itinigil ang bisyo.
Makikita/mapapakinggan natin sa lyrics/kanta na yan ay sakripisyo na talaga agad ang ginawa niya. Pinili niyang mapalayo sa pamilya niya para magbanat ng buto, hindi na niya inintindi kung iitim siya o anung mangyayari sa itsura niya pag balik niya ng Pinas. Napakatagal na ng kantang ito, pero bakit ang problema pa rin natin ay pera sa Pilipinas?
Alak, sugal, sigarilyo Upang makaipon, magtitiis na lang ako…
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin…
At ako ay natuwa Sumulat ang aking anak.
Ako ay nabigla at agad ay lumuha Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana.
Si inay ay may iba.
Nagtataksil sa ‘yo ama…
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin…
Bwisit nga naman oh, habang tumatagal ang kanta eh naiinis ka dun sa babae, paano niya nagawa sa asawa niya yun? Kung iisipin mo na kunwari ikaw yung lalakeng nagtatrabaho tapos ganyan ang dadatnan mong sulat mismo sa anak mo? Hindi bat mababaliw ka ng husto dahil sa gusto mong buhayin ang pamilya mo para may mapatunayan sa asawa mo tapos malalaman mong may iba na siya?
At ako ay umuwi, gabi na nang dumating.
Ang dal’wa naming anak.
Sa malayo nakatingin.
Parang ito yung climax nung kanta, tipong mapapaisip ka agad na may masamang mangyayari at patuloy kang makikinig.
Mata’y namumula, halos nakapikit na.
Ang kanilang kamay may hawak na marijuana.
Ngunit ang masakit, ako’y nagtaka.
Dalawa naming anak, bakit ngayon ay tatlo na?
Mahal kong asawa.
May kasama na s’yang iba.
Ang lupit naman, dala pa ang aking pera…
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin..
Napakasakit, Kuya Eddie Ang sinapit ng aking buhay.
Napakasakit, Kuya Eddie Sabihin mo kung ano ang gagawin…
May hihirap pa ba sa kanyang sinapit? Mapapa SHET ka dahil sa napakinggan mo, biruin mo dalawa yung iniwan mong anak nung nag abroad ka pag dating mo tatlo na?! Pordiyosporsanto nga naman kapag minamalas ka, grabe at napakasakit nga naman talaga sa isang taong galing abroad yun, ang gusto mo lang naman eh umasenso sa ibang bansa tapos ganito ang matatagpuan mo?
Kamusta pa yung dalawang anak niyang nag mamarijuana? Napakasakit na nasira na ang pamilya mo, pati ang kinabukasan ng anak niyo eh nasira na rin dahil sa masamang bisyo.
Patunay na napakasarap makinig ng mga lumang kanta dati, ngayon kasi parang nawawalan na ng saysay ang ibang kanta, minsan makagawa lang ng album kahit anong kanta kakantahin na nila.
Gusto mo bang mapakinggan ang kanta? click mo
ITO. Salamat sa youtube at meron sila nito.