Sabado, Hunyo 25, 2011

Kinabukasan pag tapos ng break up.

  • Titignan mo ang cellphone mo. Wala na ang text niya.
  • Babasahin mo ang mga huling mensahe niya sayo.
  • Umpisa palang ng araw parang ayaw mo nang tumayo sa kinahihigaan mo.
  • Wala nang magsasabi sayo na kumain ka na.
  • Wala nang magagalit sayo kapag humindi ka.
  • Ang tahimik ng paligid.
  • Titignan mo ang picture frame mo. Kayong dalawa ang nakalagay.
  • Hahalikan mo ang litrato niya. Hindi ka handa sa nangyari.
  • Medyo maluluha ka. Dahil hindi mo pa talaga tanggap. Naalala mong nadala ka lang ng iyong galit. Kaya nangyari iyon.
  • Hiniling mo na sana bumalik ang oras na tinaasan mo ang iyong pride.
  • Hiniling mo na sana lumaban pa siya. Para hanggang ngayon kayo paring dalawa.
  • Susubukan mong i miscall ang phone niya. Kapag nag ring ibababa mo agad.
  • Nag paparinig ka sa GM. Pero sa kanya mo lang talaga i sesend.
  • Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Hindi ka makakain.
  • Ang lungkot ng paligid. Walang sensyales na magiging masaya ka.
  • Daig mo pa ang may hangover sa lahat ng bagay.
  • Lahat ng Love songs na nakakalungkot. Nakakarelate ka na.
  • Theme song mo ngayon PARTING TIME.

1 komento: