Sabado, Hunyo 25, 2011

Hindi inaasahang pag-ibig.

May araw na sasabihin mo. Ayaw kong magmahal, masasaktan lang ako. Hindi mo alam nandiyan lang pala siya sa tabi mo.Sabi mo dati ayaw mong magmahal, lolokohin ka lang. Pero ano ang nangyari ikaw ngayon ay masaya sa piling niya. Sabi mo dati ayaw mong magmahal, parepareho lang sila. Pero ano ang nangyari? Napatunayan niyang hindi lahat ng tao ganon.

Minsan nakakagulat na lang talaga na ang pag-ibig na hindi naman natin inaasam ay dumadating na lang basta sa buhay natin. Sabi nga nila huwag mong hintayin ang pag-ibig at kusang dadating. Noon walang naniniwala dito. Pero nakakapagtaka na dumadating ito bigla sa isang tao.

Kailangan mo pa ba ng oras? Kailangan mo pa ba ng tamang panahon?

Kung ang pag-ibig na gusto mo ay walang pinipiling oras at panahon? Pwes nasayo ang desisyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento