Sabado, Hunyo 25, 2011

Panget sa babae ang naghahabol.

Dahil unang una palang babae dapat ang hinahabol. Kahit saang kultura ka pumunta. Hindi naghahabol ang babae. Sabi nga nung napuntahan kong Love Event. Ang babae magpapaganda lang yan sa bahay nila. Tapos magiintay ng lalakeng matapang na manliligaw sa kanila. 
Noong ginawa ng Diyos ang babae. Ang iniisip niya noon ay Beauty. Kaya kayo ang lumabas na magandang produkto ng panginoon.
Kung malalaman mo noong unang panahon pinagsisibak pa ng kahoy ang mga lalake ng mga magulang ng babae maligawan lang ito o kaya makuha ang matamis na OO nang magulang na pwede nang umakyat ng ligaw itong si LALAKE.
Tandaan mo rin na ikaw ang MARIA CLARA ng lalake. At hindi MARIA OZAWA
Nakakalimot ang ibang babae na dapat lalake ang gumagawa sa kanila nun. Oo pwede kang magmahal. Pero ang maghabol? Imposible un e. Siguro pwede ka maghabol kung may anak sayo yung lalake. Pero kung single ka naman at ang problema lang ay hindi ka niya mahal. Aba iwan mo! Hindi niya alam yung babaeng pinakawalan niya. Hindi niya alam yung mga bagay na pwede mong magawa sa kanya.
Kaya sana sa mga babae. Matutong respetuhin ang sarili. Minsan may mga lalakeng nag tatake advantage. Kapag alam nilang naghahabol ka, pwede ka nilang abusuhin pero sa huli ikaw ang kawawa.Payong kaibigan ito dahil ako ay isang lalake. Concern lang ako sa mga nararamdaman ng babae. 

1 komento: