Sabado, Hunyo 25, 2011

Chapter 4

Tang ina late na ako sa eskwela! Bakit naman kasi gabi na ko nakatulog eh wala naman ako ginawang  nakakapagod! Naglinis lang naman ako ng kwarto ko at inalala lang si Alyssa. Ang hirap naman kasing makatulog kapag iniisip ang taong mahal mo, kaya ayan tuloy nagiging insomniac ako dahil sa pag-ibig, buhay nga naman oh!
Pumunta na ko ng banyo para maligo, kinuha ang sabon at ipinunas habang kumakanta ng "Makapiling ka ng Spongecola". Habang dumadaloy ang tubig sa aking katawan, iniisip ko kung ano ang sasabihin sa akin ng guro dahil ako ay huli sa kanyang klase. Maari kong bang sabihin sa kanyang depressed ako kagabi dahil ky Alyssa? Na hindi ko matanggap ang pag hihiwalay naming dalawa? Ilang taon na rin ang nakakalipas pero parang nasa iisang lugar pa rin ako.

Hindi ko alam kung masama ba ko o ano.. Dahil nalulungkot akong masaya siya at malungkot pa rin ako. Bakit naman kasi pinagpalit pa ko sa panget na mokong na yun, ginawa ko naman ang lahat pero parang wala pa rin. Tang ina naman oh, hay nako puta talaga ewan ko ba. Bago ko masuntok ang tiles ng banyo kailangan ko ng magmadali para makapasok ako at baka sakaling makahabol pa kung hindi traffic mamaya.

Buti na lang wala kaming uniform at civilian lang kami kahit na mahirap magsuot ng maraming damit dahil baka naisuot mo na ito at sabihan ka pang hindi naliligo aba rekta bihis naman ang gagawin mo at parang gagala ka lang kaya masaya. Ingat ang haharang sa daan sa akin dahil late na talaga ako.

Sana hindi ako mapagalitan..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento