Sabado, Hunyo 25, 2011

Lalake sa Loob ng Banyo.

Kapag naliligo tayo madalas tayong nag iisip ng kung ano ano, lalo na kapag nasa banyo ka. Kung lalake ka eh alam mo na rin ang ibig kong sabihin, masyadong malikot ang imahinasyon ng lalake kapag nasa loob na ng banyo tipong isa siyang direktor ng isang "cool" na pelikula. Direktor siya ng lahat ng artista, maari niyang gawin ang lahat ng gusto niya sa kanyang artista.

Kapag pilyo ang isang lalake, kawawa naman ang crush niya o kaya naman isang magandang artista paglalaruan ng malikot na isip ang bawat galaw ng kanyang artista. Magmamalinis ka pa ba? Totoo naman diba?

Minsan may mga tao namang kapag naliligo eh sinasabayan ng pag-iyak, hindi marunong umiyak sa kwarto ang ibang lalake, tipong sinasabay ito sa pagligo habang nagshoshower. Siguro mas ramdam nila ito dahil kunwari ulan daw ito at sasabay ang ulan sa pagtulo ng kanyang mga luha.

Medyo weirdo ang mga lalake kapag naging emo, minsan mas malala pa sa babae. Minsan panget tignan, pero kaya naman ganito ang lalake eh gusto nilang makita lagi sila ng nakakapaligid sa kanila na malakas sila.
Kaya makulit ang isang lalakeng laging nakangiti sayo, pero kapag kinilala mo pa ito malalaman mo ang kwentong maaring mabihag ang kalooban mo, malaman ang isang karanasan na hindi mo aakalain na pinagdaanan na niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento