Maaga akong nagising. Hindi ko alam bakit maaga akong nagising. Siguro dahil nakatulog ako habang nag lilinis at inaabangan ang text ni Alyssa. Kamusta na kaya siya?
Magawa na muna ang gawaing bahay bago ko ulit siya maalala. Kinuha ko ang walis at nagwalis sa labas ng aming bakuran. Kakalinis ko lang kahapon pero naglaglagan na naman ang mga dahon na dala ng simoy ng hangin. Hindi ko alam kung bakit naglalaglagan ang mga ito. Kapag sinubukan mo namang tanggalin , parang napaka imposible namang matanggal ng hangin.
May pasok pa nga pala ako. Pero mamaya pang ala una. Ano kaya ang gagawin sa paaralan? Attendance lang naman ang habol ko dun dahil tinatamad ako sa mga professors na walang ginawa kundi mag pa report. Ano kaya magandang gawin? Pampalipas oras? Ahh alam ko na. Baka magisip ako ng mga kakaibang gawain dahil wala akong magawa. Tulad nang itutok ang sarili sa electric fan at gumawa ng robot na boses. Nakakatuwa nung mga bata pa tayo ay napapaniwala tayo ng ating mga magulang. Ngayon kapag ginagawa natin ito. Ngayon lang natin nalaman na lahat pala tayo uto-uto ng bata.
Masarap ang init na galing sa sinag nang araw. Siguro dahil alas sais palang. Sakto ang init at lamig na tumatama sa balat. Maganda daw ito sa kalusugan. Hindi kaya kapag sinalo ko lahat ito eh mangitim naman ako? Maitim na nga ako. May iitim pa ba sa sunog na uling? Di naman pala ako ganun ka itim.
Magluluto na ako. Kukunin ko na itlog at ayos na siguro sakin ito. Sapat na to para hanggang mamaya. Kumain na kaya si alyssa? Bakit lagi ko nalang siyang naaalala. Rhaine gising. Rhaine gising. Dapat hindi mo na siya naalala. Past is past. Hindi mo na maibabalik ang mga araw na nawala na. Mga bagay na napag desisyonan na, pagbigyan mo ang iyong sariling sumaya at bigyan mo ng ngiti ang iyong mga mata at labi. Nakakatakot.
Kinakausap ko na naman ang sarili ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento