Sabado, Hunyo 25, 2011

Chapter 2

Naglilinis ako nang pinagbihisan ko at nag vibrate ang aking cellphone. Nagulat ako. Kala ko kung anong maligno na ang pumasok sa bahay at tumunog ang drawer. May nag text. Atat ako. Binubuksan ko. Putik! Nag hang pa cellphone ko! Kung hindi ba naman minamalas o. Minsan na nga lang may mag tetext, mag hahang pa. Pinapa excite ako nito ah! Ayan binuksan ko na ulit. !#!#!#!!! 4438 REWARD POINTS AS OF JANUARY 21 130 points. SUSMARYOSEP!! Sa tagal kong nag intay nang makakaalala sakin! Subscriber pa at operator. Buti pa nga tong Buddy Balance naaalala ako eh. May nakaalala kaya sakin sa mga oras na to ngayon? 

Kamusta na kaya si Alyssa. Masaya na kaya siya sa boyfriend niya ngayon? Hanggang ngayon iniisip ko ano ang maling nagawa ko sa kanya. May mga tao palang inaayawan ang pagmamahal? May mga tao palang hanggang dun lang ang kaya? Pag nabigay mo ang atensyon na gusto nila at pag nag sawa na eh bigla ka nang iiwan. Putik talaga! Putik! Hay maligpit na nga tong mga gamit dito. Binuksan ko ang computer. Nag bukas ako ng email ko baka sakaling may makaalala.

Wala pa rin. Puro spam lang at mga tag photos sa isang social networking sites. Ano ano ba mga nakikita ko dun? Mga SAPATOS na Via Deliver daw. Mga Beauty Kits. Dito ko nayayamot eh. Kalalaki kong tao itatag ako sa mga bagay na to? PUTIK! talaga! Sinong hindi mapipikon? Kalalake mong tao lalagyan ka ng blush on, lipstick , maskara, o kahit ano pang mga pang pintura sa mukha ng mga babae. Ayos pa ang mga Relo, sabon , lotion , sapatos , lanyard, at marami pang iba. 

Naalala ko pa nga dati may nag tag sakin nang T-back. Pordiyosporsanto. Ano gagawin ko sa t-back? Isusuot? Tapos paharap yung T? Ano sasaluhin non? hay mga tao nga naman. Makapag log out na nga. Binuksan ko na lang ang TV at ako ay nanuod nang mga bagay na tungkol sa hayop. Sawa na ko sa mga teleserye na yan. Malabo mangyari sa tunay na buhay yan eh. Hindi ko maintindihan sa iba kong kaklase kung bakit hilig na hilig sila dito. Lalo na sa mga naglalabasang KPOP! JPOP! 2NE1 o anu mang LOLLIPOP na yan. Kung ako ililipat ko na lang sa istasyon na puro kanta ng Pinoy. Dito malalaman natin ang magagandang kanta na ginawa ng pinoy. Minsan naman puro revive na rin.
Kamusta na kaya talaga si Alyssa.. Masaya kaya talaga siya?
Itutuloy..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento