Dito mag sisimula ang buhay ni Raine, Labing pitong gulang. Estudyante. May simpleng buhay. At pangarap sa buhay. Ating subaybayan ang buhay niya bilang estudyante at ang pangarap niyang maging astronaut. Pero dahil hindi kaya ng magulang niya. Siya ay nauwi sa kursong MASCOM.
Chapter 1.
Umuwi akong pagod dahil pumasok ako sa eskwela, napakadaming pinagawa nang titser naming si Mrs.Teri. Isang matandang feeling major na titser na kamukha ni Cory Aquino pag nakasuot ng dilaw na bestida. Pagka minamalas nga naman! Sinamahan pa nang malakas na ulan. Nahirapan ako sumakay napaka traffic, an daming estudyante, an daming mga trabahador, mga taong galing sa opisina, sa mall, sa date, sa lakwatsa , mga taong nag duty dutyhan, at nag pasok pasukan. Nahirapan ako sumakay dahil umuulan. Ala sais na kami pinalabas nang aming guro. Bago pa ko nakalabas nang paaralan eh madilim na. Bakit kaya napakadalang nang sasakyan kanina. Dahil ba umuulan? Tinamad ang mga drayber dahil baka mabasa sila? Bakit? Wala bang bubong ang mga dyip nila? Natatakot na baka ma traffic sila? Paano sila aasenso niyan?
Montalban!Montalban! narinig ko banda malapit sa tindahang binibilan ko ng kwek-kwek. Tumakbo ako kahit umuulan. Gamit ang plastic na folder tinakluban ko ang sarili ko at ginawa kong payong. “O pasok pasok!” sabi ng konduktor. Onsehan yan Onsehan yan! Maluwag yan! Araw araw ginagamit yan!” wala akong maupuan!! Putik! Wala na kong choice. Umupo ako sa gitna nang dyip. Kung hindi ba naman tanga tong konduktor. Kung pwede ko lang sabihin na “Oo nga onsehan dyip niyo. Parepareho ba ang laki ng tao? May taong payat, may taong medyo mataba, may taong mataba, at may taong sobrang taba. yung para bang dapat na siyang mag bayad nang dalawang tao dahil sinakop na niya lahat. siya pa ang galit pag sinita mo at sinasabing pantay pantay ang tao. Eh putik! Sa laki nila eh masasabi mo pa bang pantay pantay? Sabihin ko rin kaya sa konduktor na, O SIGE IKAW DITO! AKO DIYAN SA INUUPAN MO! MATUTO KANG MAMILIPIT! At mabalikan ko kanina ang sinabi ni kuyang kundoktor. Ano kaya ang ibig niyang sabihing ” Maluwag yan, Araw araw ginagamit yan” Hmm.. Matanong nga minsan. An traffic. Nangangalay na ako.
Nilagay ko muna ang aking backpack sa aking puwitan para upuan. May mga taong tumitingin sakin. Napapansin kong may mga taong nag tetext. May mga mag syosyota na ansikip na nga ng dyip eh kung mag yakapan at hipan ng lalake ang leeg nang babae eh kulang nalang ay mag taxi sila at mag hotel. May mga trabahador din. May mga estudyanteng nakasuot ang kanilang Mp3. Yung iba naka ipod. Yung iba naka Mp3, yung iba naman pocket radio. May construction worker din sa loob at isang guro. Tinignan ko lahat sila. Lahat sila may ginagawa. Saan kaya uuwi itong mga ito? Aba malay ko. Isa lang ata bababaan namin ah. Mag babayad pa ba ko? Hindi ko naman nagamit ang upuan. Pero sige. Hindi naman ako yayaman dito at nakasakay na naman ako.
Makalipas ang kalahating oras na kalbaryo sa loob ng dyip. Ako ang unang nakababa dahil ako ang pinaka mahirap ang upo. May mga taong nakasabit pa kanina dyuskopo! Sasakay na ako ng tricycle. At andito na ako sa bahay ngayon. Pagod. Lalo akong napagod dahil umuulan. Parang ang sarap matulog. Pero madami pa kong kailangan gawin. May nag text kaya sa akin? May nakaalala? Agh! Wala! Ang hirap ng single Putik na yan! Bakit kasi hindi pa nakuntento sakin yung babae na yun. Bakit pa ako pinagpalit sa lalakeng yun. Anu ba gamit na sabon nun? At pareho lang naman kami ng lamang sa pagligo. Hay buhay nga naman. Binuksan ko nang bahagya ang bintana para maramdaman ang malamig na hangin. Nakakapagod, hinubad ko ang medyas at itinapo sa basket. Shoot! galing ko talaga! Ang sapatos naman ay nilagay ko sa ilalim ng kama. At ang pantalon ko ay nilagay ko sa basket. Shet! Naka brief na lang ako. An sarap nga naman talaga sa bahay, dito lang kasi sa bahay masaya. dito ako ang hari. ako ang bida, tanggap ako ng mga tao dito kung ano ako, ano itsura ko, at ano damit ko. May mas sasarap pa ba doon? Sige nga? Nag ring ang telepono sino kaya ang tumawag?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento