Lunes, Hunyo 27, 2011

Mga taong swerte sa relasyon.

Ang taong swerte sa relasyon ay yung dalawang taong nagmamahalan at legal.
Yung hindi na kailangan itago sa magulang.

Yung pwede mo siya kasabay kumain kasama ang kaibigan.

May mga tao kasing malaki ang problema pag dating sa magulang ng babae. Ewan ko lang rin kung may lalakeng strikto ang magulang about having bf/gf.
Kasi mahirap pa natin sabihin yung ipaglaban ang pagmamahalan. Kasi nga mga bata pa at wala pang trabaho. Maraming magulang ang hindi open dito. Lalo na at bunso nila ang babae. 

Sa panganay naman mahirap din. Dahil dito nakasalalay ang pamilya.
Mahirap. Pero swertihan lang din. Pag naintindihan ng magulang na minsan eh kailangan din ng onting pagmamahal at inspirasyon ng kanilang mga anak.
At sinwerte ako dun. 

Lahat ng naging girlfriend ko ay naging suportado ng aking amat - ina. Daig pa ang prinsesa. Parang siya pa ang anak kesa sa akin.
Kaso ngayon wala na nga kami. Kaya susubukan ko ulet maghanap ng taong maalagaan at taong masasabi kong akin.

1 komento: