Lunes, Hunyo 27, 2011

Kahit gaano nyo pa kamahal ang isa’t isa, kung di talaga kayo gagawa at gagawa ng dahilan ang panahon para hindi kayo magkatuluyan.


Dahil tulad ng sinabi ko dati, tadhana ang magpapasya, ipapaliwanag ko ng husto para maintindihan ng Mambabasang Kabataang Pilipino ng Republika ng Pilipinas. (MKPRP). Naks gumaganun na ako,
May mga tao kasing nagtatanong kung bakit sila iniwan ng taong mahal nila, ginawa naman daw nila ang lahat, tapos wala pa rin daw nangyari, iniwan pa rin sila. 
May relasyon na tumatagal ng taon, may relasyon na tumatagal ng araw lang, at yung iba naman ay buwan, kanya kanyang tadhana.

May mga taong walong taon na magkarelasyon pero nagkakahiwalay pa rin. May mga tao naman na isang buwan palang magkakilala eh magpapakasal na.
Kung naiisip mo ang naiisip ko, ayan ang sinasabing tadhana ang nagpapasya, nasasayo kung tatanggapin mo iyon o makikipaglaban ka. Pero mahirap makipaglaban sa tadhana, kasi ikaw seryoso kang lumalaban, tapos ang tadhana ay naglalaro lang pala.

Dapat handa tayong masaktan sa huli, tanggapin mo ang bawat relasyon mo na pang samantalang kasiyahan hanggat hindi ka pa dumadating sa punto na ikaw ay mag aasawa, lalo na kung ang edad mo ay sumasabit sa edad na 12-17 years old, naku poineng at utoy masyado pang maaga para mag seryoso, hindi ko sinasabing laruin niyo ang relasyon ninyo, pero kung iisipin mo ito masyado pa talagang maaga, ang edad ninyo ay puno pa ng tukso. Totoo na marami pa kayong makikilala.

Ito ay payo ng isang kaibigan. Kapag binasa mo ay sigurado magiging bukas ang isip mo sa mga bagay bagay. Kapag binasa mo ito ng buong puso at talino, maiintindihan mo. Matatanggap mo ang bawat pagsubok sa larangan ng pag-ibig. Salamat sa pagbasa.

Galing ito sa isa kong blog: http://matabangutak.tumblr.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento