Martes, Hunyo 28, 2011

Payo sa mga taong hinahanap/hinihintay ang pag-ibig.

Hindi mo maiintindihan ang tunay na ugali ng isang tao hanggat hindi mo kinikilala ito, tipong hanggat hindi mo nilalagay ang sarili mo sa buhay niya kahit kailan hindi mo makikilala ng buo ito.

Masyado tayong nasisilaw sa magagandang salita, isang bagay na maaring sakit na ng karamihan lalo na ang mga kabataan na nalululong sa salitang pag-ibig, habang tumatagal ang age bracket ng mga taong nagmamahalan eh pababa ng pababa, hindi naman natin sila mapipigilan sa gusto nilang gawin, buhay nila yun eh. Pero nakakabahala dahil paaga ng paaga ang kanilang pakikipagrelasyon.

Ayun ang problema sa karamihan, hindi pa masyadong kilala eh sunggab kung sunggab agad masabi lang na may karelasyon, yung iba nagmamadali, yung iba naiinip, yung iba naman siniswerte agad.

Halos tanong naman ng karamihan, Hanggang kailan ba ako maghihintay? Hanggang kailan ako mag titiis? Ano ba talaga gagawin ko? Maghihintay? O mag hahanap? Paano ako magkakaroon kung maghihintay lang ako? At paano ko siya makikita habang naghahanap ako?

Maraming tanong sa bawat anggulo at sulok ng pag-ibig, minsan lakasan lang talaga ng loob, minsan yung mga taong hindi mo akalaing makakatuluyan mo, eh yun pa pala yung taong nakalaan sayo.

1 komento: