Kailangan sigurado ka sa sarili mong mag didiet ka talaga, hindi yung ningas kugon lang. Tandaan mong hindi solusyon ang fasting, DIE-t ang gagawin mo sa sarili mo niyan. Maaga kang mamamatay, at kung sakaling papayat ka man, hindi healthy ang gagawin mo sa sarili mo.
Kung ako ay magpapayo sa sarili ko lamang na experience, maniwala ka sa hindi dapat kumain ka ng limang beses sa isang araw. Oo tama ka ng basa limang beses sa isang araw.
Paano ba ito masasagawa?
- Dapat sapat lagi ang tulog mo para umabot ka sa 8am Meal. Eat like a boss, kumain ka ng madami, walang mangyayari kahit marami kang kainin sa umaga. Ito ang kailangan ng katawan mo, samantalahin mo ang oras na ito.
- Kumain ka every 3 hours or 2 hours, para hindi ka magutom palagi, pero light meals na lang, maaring isang tinapay kada 2 oras, o kaya naman eh gulay.
- Bakit every 3 hours to 2 hours? Ito eh para hindi ka lagi magutom, ang mali sa iba eh nag fafasting sila para feel nila pumapayat sila ito ang hindi nila alam….
- Kapag nag fafasting ka at naisipan mong kumain, mapapadami ka ng kain dahil nga sa nag simula ka nang mag starve. Tandaan mo na babagal ang metabolism mo kapag nagugutom ka.
- Dapat mahilig ka sa tubig, dahil minsan hindi mo alam uhaw ka lang pala, akala mo busog ka, ito eh para mag send ng maayos ang tiyan ng signal sa utak mo para alam mo kung uhaw ka lang o gutom.
- Kesa mag juice ka, or softdrinks, mag tubig ka na lang, walang calories ang tubig, isipin mo kung iinom ka ng softdrinks 110 calories ito, tandaan mo na 2500 ang kailangan na calories nang isang tao, at kung nag didiet ka naman 1500 calories lang ang kailangan mong magastos sa isang araw.
- Iwasan mo ang matatamis, ito ang unang kalaban mo.
- Subukan mong mag exercise o naman tumakbo kasama ang mga kaibigan, sa mga parks, sa mga fun run, sa sports center at kahit saan na pwede kang tumakbo.
- Huwag kang mag set ng araw kung kailan ka mag diet, kakatamaran mo lang ito.
- Disiplina na malupit ang pinakahuling maipapayo ko sayo, kung wala ka nito walang mangyayari sa gusto mong mangyari, tataba ka ng tataba sa gagawin mo.
Mas naniniwala akong mas mahirap mag papayat kesa magpataba, madali lang tumaba, kumain ka lang ng kumain.
Ang magpapayat mag eexercise ka, iiwas ka sa madaming pagkain, kailangan mo pa ng disiplina sa sarili.
Sana ay nakatulong ang ilan kong health tips sa inyo, kung gusto niyo eh ikalat niyo ito para magkaroon ng idea ang ilang mambabasa dito. Kaya ko alam ito eh ito yung ibang nalaman ko na sinabi sa akin nung trainer ko sa gym ko. Dinagdagan ko nalang ito base sa natutunan at naranasan ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento