May dahilan kung bakit ka umiinom.. dahil uhaw ka.
May dahilan kung bakit ka masaya.. kasi gumala ka kasama ng kaibigan mo o kaya naman nabilhan ka ng bagong gamit ng magulang mo.
May dahilan kung bakit hindi mo ka grupo ang crush mo sa group project niyo. Dahil baka ma turn off ka sa kanya dahil tamad siya kung sakaling ka group mo siya.
May dahilan bakit ka online ngayon. Maaring may gagawin ka o may bago kang makikilala na tao.
May dahilan kung bakit ka nasasaktan ka ngayon, para makahanap ng bagong kaibigan na susuporta sayo.
May dahilan bakit ka gutom.. hindi ka kasi kumain at nakababad ka sa computer buong maghapon.
Lahat ng bagay may dahilan, hindi maaring wala. Ginawang balanse ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo, tao lang ang nagpapagulo nito, simple lang ang lahat ng bagay kung pag iisipan.
Parang pag-ibig yan, may dahilan yan kung bakit siya ang napili mo o bakit nagkahiwalay kayo. Maaring siya na o may darating pang mas magaling at mapagmahal sa kanya. Huwag kang mapanghihinaan ng loob, lahat ng bagay may dahilan.. At kapag may dahilan, may pag-asa pa itong magbago.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento