Sabado, Hunyo 25, 2011

May mga taong nagmamahal naman ng tapat. Iniiwan pa rin.

Bakit kaya? Dahil ba sila ay nagsasawa sa mga bagay na ipinakita mo?

Ano lang ba ang ginusto mo? Ang magmahal lang nang tapat diba? Kapag tinatanong mo naman sila kung ano ang gusto nila ang sasabihin nila kahit wala na, ang mahalaga mahal mo sila.

Pero sa likod ng pagmamahal, pagtitiwala, pagiging loyal mo sa kanila. Bakit pang-iiwan at pagtatraydor pa rin ang nagagawa nila sa mga taong tunay na nagmamahal? Bakit sa likod ng sayang naibigay mo sa kanila, nagagawa pa nilang ibigay ang lungkot na akala mo walang hanggang kasiyahan na.

Sa oras na iniwan ka ng taong mahal mo, para itong sumpa. Sumpa ng ilang araw, ilang buwan, ilang taon na kalungkutan. Para mawala yung sumpang iyon kailangan mo humanap ng isang taong magtatanggal nito.
Marami sa atin ang ganito, marami sa atin ang iniwan. Marami sa atin ang nagmahal ng tapat, pero iniwan din.
Isama mo na ang inyong lingkod at tagapagsulat ng blog na ito. Pero may darating, at maging masaya ka ulit kapag dumating yung araw na yon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento