Bakit ka mag bibigay ng effort na hindi naman niya na appreciate?
Ano yun taken for granted? Hindi sa sinasabi kong isumbat lahat ng bagay na ginagawa. Pero wag naman sana maging tanga. Hindi niya gagawin sayo yun kung hindi ka mahalaga.
Hindi bat oras na nga niya ang ibinigay niya? Hindi mo alam kung ano ang likod sa dahilan nang pag sama sayo. Hindi mo ba alam na may mga taong gusto rin siya makasama pero ikaw ang pinili niya kasi mahalaga ang araw na iyon dahil ikaw ang kasama niya?
Marami satin ang nagiging manhid.
Hindi ako naniniwala sa quote na ” Walang taong manhid, hindi mo lang sinasabi ang sakto mong nararamdaman “.
May mga bagay na obvious na.
Kinakain tayo ng sarili nating kapansanan. Mga nagiging bulag sa damdamin. Bingi sa mga bagay na sinisigaw nang puso. Nagiging pilay tayo dahil hindi tayo marunong mag tiwalang may handang sumaklay sayo at umalalay.
Bakit? Bakit? Anong problema? Wag lahatin ang kalalakihan. Dahil hindi lahat ng lalake ay pareho ang magulang. Iba ang mga pinag aralan. Iba ang mga kinalakihan.
Bakit lagi na lang masama ang imahe ng mga lalake sa babae pag dating sa break ups? Hindi bat minahal mo rin at may ginawang mabuti sayo?
Ang nagiging irony kasi
” Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao “
maglaan ka ng entry tungkol sa secrets/truths about boys :)) sighs.. i must agree sa ibang sinabi mo :3 and yea! welcome pala sa blogger pinoy philosopher :)
TumugonBurahin