Biyernes, Agosto 28, 2020

Naalala ko pa ‘yong dating tumingin ako sa salamin tapos naawa ako sa sarili ko dahil iniwan ako dati. 

Sabi ko pa sa sarili ko noon

“Tangina, kung nakikita ka lang nung babaeng nanakit sa ‘yo ngayon maaawa ‘yon eh. Bigla kang babalikan no’n.”

Ang lungkot nun kasi nakikita ko sarili kong humihikbi. Nakikita ko sarili kong lumuluha. Ang lakas maka pelikula gagiii! Sabi ko langya ang gusto mo lang naman mahalin ka pero ginago ka ng ganun lang? Tapos grabe hinga ko no’n sobrang lalim. Sobrang tampo ako sa mundo no’n. Gusto ko ipagsigawang malungkot ako pero hindi, naging matapang ako at sinarili ko lahat ‘yon. 

Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na malungkot ako dati pero pag tinanong nila kung bakit hindi ko rin sila masagot. Parang tunay na pagmamahal hindi mo maipapaliwanag. Ganon din pala pag legit na nasaktan ka, wala kang eksaktong salitang mabubuo rin pero ramdam mo ‘yong mabigat na pakiramdam na akala mo tinitinik ka sa bawat oras na maalala mo siya.

Doon ko dati naramdam ‘yong sobrang pagod. Never kasi ako napagod kapag gusto ko ‘yong ginagawa ko or mahal ko yung tao eh. Ilu-look forward ko siya palagi kasi ‘yon yong nagpapasaya sa akin. Kaya nung nawala at naisip ko na kapag natulog ako ng gabing ‘yon, mag-isa na ako kinabukasan. Di mo alam gagawin kasi nasanay kang andyan eh. Nasanay kang bawat galaw mo andyan siya.

Di ko rin alam paano ko siya nalagpasan. Nagising ako isang araw parang bigla na lang ako walang pake eh. Namanhid puso ko kasi ‘yon na lang lagi naiisip ko at nararamdaman. Nasanay na lang siguro hanggang ‘yong sama ng loob ‘yong nagpatigas sa damdamin ko. Minsan, dala-dala ko pa rin ‘yon. Pero mas pinili ko pa ring magtiwala kasi wala namang mawawala. Wala namang kinalaman ‘yong mga bagong dadating sa mga nangyari dati kaya sana huwag ipasa sa kanila ‘yong galit or sisi. Mag hope ka na lang na hindi na nila gagawin ‘yon sa ‘yo. Kailangan mong mag risk, once and for all kailangan mo ulit maniwala sa pag-ibig.

Martes, Agosto 6, 2013

Hindi mo pwedeng idahilan sa kanya na na trauma ka sa past mo. Dahil lahat naman may panget na past. At kaya tayo naghahanap ng bagong taong magmamahal satin eh para makalimutan yung past na yun at maging lesson na lang.
Minsan maiisip mo na lang na parang lumipas yung panahon na parang walang nangyari sa inyo. Nakakalungkot isipin na parang wala ng katapusan yung kasiyahan na nadarama mo non. Yun bang hindi mo maiisip na baka bukas eh wala na siya. Talaga pala na minsan wala kang clue na bigla na lang mawawala sayo yung tao.
Halimbawa, hindi mo first time magkaroon ng relasyon. Pero sobrang nagmahalan kayo ng una pero hindi nagwork. Tapos ngayon na maghahanap ka. Sobrang tataas standards mo dahil naranasan mong mahalin ng sobra at mapag effortan sa past mo. At dahil dun nahihirapan tayo maghanap at naiinip maghintay dahil nasanay ka na minsan sa buhay mo naging sobrang espesyal ka sa tao. Tumataas expectation mo at nag eexpect ka na kahit hindi na mahigitan yung effort ng past mo eh mapantayan man lang. 

Palagi nila sinasabing People Come and Go. Pero hindi ba’t nakakapagtaka na bakit may mga taong andito pa rin sa buhay natin? Tipong bago pa dumating yung mga taong yun eh andyan na sila. At nawala yung mga tao na yun eh nandyan pa rin naman sila. Ginawa mo naman best mo para manatili sila. Ginawa mo ang gusto nila. Pero sa huli talagang nawawala eh. Sadya bang kasabay ng paglipas ng panahon ang paglipas ng nararamdaman? Na ang mga taong nakakaranas na masaya sa relasyon eh yung mga taong nagtutulungan at hindi talaga hinahayaan ang isa’t-isa? Yun bang relasyon na hindi “one-sided love" yung mahal niyo talaga ang isa’t-isa at hindi dahil napilitan lang, pinagbigyan lang, o kaya naman naawa lang.

Kaya ba patuloy na single ang isang tao eh dahil ayaw niyang mag take ng risk masaktan uli? Na hindi alam ng taong single na yun na kahit sino naman ang taong makikilala mo eh once na nagmahal ka eh masasaktan at masasaktan ka uli? Kaakibat na yun eh na kaya nasasaktan tayo, nagseselos tayo, nagagalit tayo at nag-aaway tayo sa relasyon dahil gusto mong maayos yun at natatakot kang mawala siya sa buhay mo. Pero sa huli, dahil sa away na yun at intensyon mong ayusin eh umaalis na lang sila. At hindi na pinaglalaban ang relasyon na sana eh pang dalawahang taong nagmamahalan.

Swerte ka.

Sa lahat ng nakakabasa nito, swerte tayo. Know why? Kapag umalis ka ng bahay at napatambay ka sa lugar tulad ng sakayan ng Jeep. May makikita kang mga barker ng jeep na patuloy ang pagsigaw para maambunan ng limang pisong barya. Tumingin ka sa kanan eh may Ale na nagtitinda ng Palamig at sa harapan mo naman eh may lalakeng nagtitinda ng Pinya. Then uuwi ka ng bahay niyo may makakasalubong kang nagtitinda ng Yakult at hila ang karitela na puno ng Yakult. At paglagpas eh makakakita ka ng matandang Lalake na may dalang malaking FOAM or Aparador para ibenta sa inyo sa tapat ng initan. 

Kung iisipin mo, ang laki ng ginhawa ng buhay mo ikumpara sa kanila, pero they continue living right? 

Meaning.. Kung ano man yung problemang nararanasan natin eh kailangan nating tanggapin at hindi iwasan. Na kailangan nating isipin na yung mga bagay na hindi natin pinoproblema eh pinoproblema ng iba. Hindi ba’t nakakalungkot isipin na may mga taong iniwan lang ng JOWA nila eh gusto na nilang mamatay? Without knowing na swerte pa rin siya dahil maginhawa ang buhay niya? Na hindi dapat masyadong pinoproblema ang ganung klase ng problema? Na dapat sa likod ng nangyari sa kanya eh swerte pa rin siya sa buhay hindi tulad ng iba.

Minsan ba sumagi sa isip mo na nababasa mo to kasi swerte ka? Kasi may sarili kang Computer o kaya naman ay may pangbayad ka para makagamit ng Computer. Habang yung iba eh nasa labas ng bahay hindi magkanda ugaga buhayin ang pamilya o kaya mag hanapbuhay. And still sasabihin mong “Fuck I Hate this Life?" 

Sabi nga eh never take things for granted. Hindi lahat ng bagay na meron ka eh nararanasan din ng iba. Magpasalamat tayo na yung mga bagay na naabot ng buhay natin eh inaabot palang ng iba? 

Minsan, kailangan mong mapansin yung mga malilit na bagay para malaman mong malaking bagay na pala ang naibigay sayo. Still, we keep searching for more.

Nagmamahalan kahit hindi naman kayo.

Sobrang posible magmahal kahit hindi kayo, ganun naman ang ginagawa ng karamihan eh. Pero yung magmahalan kayong dalawa na hindi pala kayo? Mas kakaibang kwento hindi ba? Bakit nga ba pinipigilan ng dalawang tao maging sila gayunpaman na mahal nila ang isat-isa? Kasi kadalasan sa henerasyon natin ngayon, kapag mahal mo at mahal ka niya automatic magiging kayo na.
 Pero minsan nakakalungkot lang din at may mga balakid talaga kahit ano ang gusto mong gawin. Katulad ng relihiyon, pamilya, nakaraan etc. Hirap kalabanin ng mga yun, tipong kahit anong ipaglaban mo wala ka talagang magagawa kasi yun nga ang nakatadhana.
 Kaya  ayun, wala kang magagawa kundi tanggapin na lang kung ano ang nakasulat, tipong kahit anong gawin niyo wala kang magagawa kasi yun ang destiny niyo eh. Hindi pwede maging kayo, pero gustong gusto niyo  ang bawat isa.
 Bwisit lang yung ganung pakiramdam no? Dehins natin matanggap, pero kailangan.
Siguro nga na dalawang klase lang ang pagmamahal. Mahal at Hindi Mahal lang. Wala yung “siguro"? wala yung “ata"? wala yung “parang". Kasi sigurado ako na kapag naramdaman mo yung pagmamahal na yun sigurado ka agad eh. Alam mo sa sarili mong “shet nagmamahal na ko". Yun bang may kakaiba kang nararamdaman, lahat eh may ibig sabihin sa mga kinikilos niya. Siguro madalas tayong nasasaktan kasi akala natin mahal natin yung tao. Without knowing na na e eksayt lang pala tayo maging espesyal sa buhay ng isang tao. Kumbaga andun tayo sa point na gusto natin ng nilalambing tayo, may taong may oras sa atin, may taong mangangamusta. Pero habang tumatagal nawawala yung feelings na yun. Kumbaga nagsasawa ka dahil nakuha mo na ang gusto mo eh.

Parang sa gadget. Nung wala ka pa, hook na hook ka. Gusto mo magkaroon at parang hindi ka makatulog dahil gusto mo talaga ng gadget na yun. Pero nung nagkaroon ka na. Mga first week or first month eh halos hindi mo pakawalan, at habang tumatagal eh nawawalan ka na ng internes at nagkakaroon ka na ulet ng bagong gusto.

Parang ganun yung nangyayari sa tao. Masyado tayong curious kung ano ba ang kayang ibigay satin ng taong yun. Na hindi natin nalalaman kung mahal ba natin talaga. Sugod tayo ng sugod at sa huli nanlalamig tayo dahil hindi pala totoo ang nararamdaman. 

Minsan hindi mo rin alam kung tama ba yung term na “Minahal". Tipong kung mahal ka ng taong yun. Bakit ka iniwan? Kaya it’s either mahal ka talaga or hindi lang eh. Tipong hindi mo mararanasan maghabol kung mahal ka ng taong yun. Kasi kung totoo yung pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya. Kung mahal ka niya. He/she will do the same way din eh. Talagang lesson lang ang magiging baon mo kapag hindi naging successful ang relationship na meron ka eh. 

Kaya dapat sa huli? Umiibig at Nagmamahal ka eh. Umiibig dahil gusto mo siya. At Nagmamahal dahil iingatan mo siya.
Nakakamiss yung mga araw na may yayakap sayo kapag malungkot ka or nagtatampo ka. Yun bang hindi ka namromroblema maging malungkot dahil alam mong mamaya lang eh hindi ka matitiis ng taong kinakasama mo. Alam mong may lalambing sayo. Alam mong may nagmamahal sayo.
Nakakamiss yung mga away na kinaiinisan mo nung meron pang “kayo". Tapos marerealize mo na yung away pala na yun ang pinaka lambing dahil may gusto kayong ayusin at may pinaglalaban kayong dalawa.
Nakakamiss na may taong laging nandyan para masabihan ng problema. Yun taong sasabihing :"Kasama mo ako, huwag ka mag-alala. Makakaya mo yan. Dalawa tayo dito".
Nakakamiss maglakad na may kahawak kamay at kapag nakita mo siya sa tabi mo eh nakangiti siya sayo. Yung mga araw na sobrang higpit ng hawak niya sa kamay mo. Para bang ayaw niyang mawala. Yung ayaw niyang may makakahawak pang iba. Yung hawak na sosolohin ka lang niya. Yung hawak na wala na siyang hahawakan pang iba.
Nakakamiss tumawa ng may kasama.
Nakakamiss gumising ng umaga na may lambing na mababasa/mararamdaman galing sa kanya.
Nakakamiss gumawa ng pangarap na pang dalawa. Nakakalungkot isipin na yung mga pangarap niyong binuo eh parang iniwan lang sa isang bodega at kahit kailan ay hindi na ito muling nabuksan. Para bang sariwa pa ang mga pangarap sayo pero sa kanya eh inaagiw na, At ang malungkot dun kaya pala hindi na napapansin eh gumagawa na ulit siya ng pangarap na ang kasama ay iba. 
Nakakamiss makaramdam na may isang taong hindi mo kilala dati na nagmamahal sayo. Yun bang, magugulat ka na out of nowhere eh pinagtagpo kayo. Kahit na hindi nag work eh natutuwa kang naranasan mo. Minsan mahirap tanggapin na mahirap. Naranasan mo kasing masarap eh. Kaya hahanap hanapin mo.
Nakakamiss maging masaya ng sobrang tagal. Hindi yung saya dahil may birthday ang kaibigan mo, may bago kang gamit, mataas ang grades mo at marami pang pansamantalang kasiyahan. Kundi, nakakamiss maging masaya na siya ang dahilan. Nakakamiss ma inspired dahil lang sa sinabi niyang mahal ka niya. Yung mga salita niya na “Energizers mo".
Nakakamiss lahat. Pero heto tayo isa sa mga taong umaasa na darating din yan. Na siguro hindi mo pa turn o kaya naman eh lumagpas at kailangan ulit umikot ng roleta para mag krus ulit ang inyong landas. Totoo nga kaya yung maghintay na walang ginagawa? Kung yung oras nga na may ginagawa ka eh wala pa ring makapansin? Paano pa yung naghihintay ka? Eh ayaw sa lahat ng tao nag aassume? Paano mo malalamang may dadating sa buhay mo? Paano mo malalamang mahal ka ng tao? Kung ang iniisip din niya eh maghihintay din? Paano kung naghihintayan kayo? Paano kung parehas kayong natatakot magsabi dahil sa dami mo ng beses na na reject ng tao eh nawawalan ka na din ng pag-asa sa sarili mo?
Nakakamiss no? Nakakamiss mamroblema ng problema ng partner mo. Yun bang problema niya eh problema mo na rin. Nakakamiss may ka share sa buhay :) Nakakamiss may kayakap. Nakakamiss. Nakakamiss :)
Stay sweet sa partner mo and forget about pride. Ok lang magselos pero wag dadating sa puntong magiging sobra na at kung ano ano na ang sinasabi mo sa kanya. Hindi rin naman kawalan ng tiwala ang selos, may point lang talaga na hindi nagiging positive ang lahat. Dumedepende sa mood at sa iisipin ng tao. Depende rin kung ano ang meron sa paligid kaya nagseselos. Halimbawa, inuman. Asahan mong magagalit yan. Inuman yan eh. Nag iiba ang bait ng paligid kapag ang tao ay nakainom. Kung babae ka at "One of the Boys" ka, ipakilala mo yung mga kaibigan mong lalake at make sure iiwas ka sa mga bagay na siguradong makakasira ng relasyon niyong dalawa. 

Magpaalam ka sa kanya. Kapag hindi ka pinayagan. Huwag mo ng ituloy. Kaya ka nagpapaalam dahil gusto mong malaman kung papayagan ka or hindi. Committed ka kaya kasama siya sa ibang pag dedesisyon mo. Pero kapag sobra na at halos solohin ka na, sabihin mo na hindi pwedeng sa inyong dalawa lang iikot ang mundo niyong dalawa. Kailangan mo din kamo ng kaibigan. I-point out mo yung gusto mo iparating sa kanya. Ipaliwanag mo kung bakit ka aalis kasama siya o kung ano ang gagawin niyo. Kailangan niya malaman yun para hindi mabuo ang panget na istorya sa isip niya. Sabi ko nga dati pa, kapag ang tao napaparanoid lahat ng negative na gagawin ng isang tao eh maiisip niya kahit gaano ka pa ka positive o ka confident na wala kang ginagawang masama. Mahalaga na i update mo siya. Communication is the key. Hindi dapat nawawala ito. Ipakita mong kahit na may ibang tao sa paligid mo eh hindi mo siya nakakalimutan. 

Ang nais lang ng partner natin ay maramdaman na espesyal sila. Sa oras na mabalewala sila magtatampo siya. At kapag nagtampo siya huwag mo ng gatungan pa ng galit. Ang taong nagtatampo, humihingi ng kapatawaran mula sayo o kaya naman eh lambing. Hindi mo kailangan palalain ang sitwasyon dahil lang nagtampo siya. Nagtampo siya kasi mahalaga ka sa kanya, nagagalit yan kasi takot siyang mawala ka sa kanya. 

Iparamdam mo na siya ang pinakamagandang babae sa mundo o kaya naman eh ang Knight in Shining Armor na kailangan mo. Masarap magmahal. Kaya ang tao, kahit patuloy na nasasaktan. Eh hindi mo mapipigilan magmahal. Ingatan mo kung meron ka na. Alagaan mo. Hindi lahat ng tao nakakaranas ng kasiyahan na nararamdaman mo ngayon dahil may partner ka sa buhay.

Sabado, Setyembre 22, 2012

Mainipin na ang tao ngayon.


Ang gusto nila makuha agad nila ang resulta na gusto nila, tipong kapag inisip nila ngayon eh dapat may resulta agad. Kunwari isang tao na gustong yumaman, ang iisipin niya eh nagtatrabaho naman siya ng husto pero bakit hindi pa rin siya yumayaman tulad ng iba? Nagiging impatient na ang mga tao dahil nga super fast-paced na ang mundong ginagalawan natin.

Kaya nakakainis manuod ng pelikula minsan, tipong sa loob ng tatlong segundo eh 3 years later na agad. Tapos makikita mo doon ang resulta ng ginawa niya, hirap din kasi kapag nahilig ka sa ganun eh, hindi mo alam ang takbo ng istorya, tska yung mga palabas naman na yan eh inspirasyon lang para ganahan ka lalo sa buhay mo.
Parang sa pag-ibig din, hindi naman porket gusto mo eh liligawan mo agad. Dapat may timing, dapat pinaghihirapan, maaring tumagal ng taon o buwan depende sa taong gusto mo. Mas mapapadali kung may gusto rin siya sayo, pero kapag wala eh naku, katakot-takot na sakripisyo ang gagawin mo.

Sabado, Hunyo 2, 2012

Epic Fail Drama



Nararanasan mo ba yun? Yung may kausap kang isang tao tapos todo drama ka pero sa bilis ng pag ttype mo o kaya naman sa gulo ng isip mo eh na rorong spelling ka na o kaya naman eh nadadagdagan ng katabing letra ang iyong drama. Minsan kasi nakakawala ng momentum yun eh, tapos minsan di mo maiwasang i korek kasi parang awkward kapag hinayaan mo lang itong mali.
Halimbawa.
  • Hindi na tayoi tulad ng dati.
  • Mahal naman kita ehg.
  • Anoi na ba nangyari? Ginawa ko naman lahat ng makakayta ko ah?!
  • Hindi ikaw ang may kasalanan, ako lang. Kailanganm ko hanapin ang sarili koi.
  • Alam moi? Mahal kita. Lahat handa kong itama para lang sayo. Ikaw ang langit, ako ang luipa.
  • Di koi kayanmg mawala kaa!!
  • Wag mo king iwan!!!
At sobra dami pang iba na typo error na nararanasan ng mga tao sa bawat kalandian nila sa chat o skype o san pa mang networking sites na kailangan gamitan ng letra. Minsan nakakaloko lang eh no? Yung tipong kumpleto na sana ang drama mo. Pero sa huli epic fail drama ang kinalabasan. Pero yung iba di na pinapansin yun eh. Common sense na lang. Problema ba nila dun diba? Sa malalaki ang daliri eh. Ika nga nila eh it’s the thought that counts! 

Bawat patak ng luha, ikaw ang laman.
Bawat patak ng luha, alaala’y nagbabagsakan.
Bawat patak ng luha, pagsisisi sa sarili ang laman.
Bawat patak ng luha, ikaw lang ang dahilan.
Darating ang araw, ako’y iyong malilimutan.
Darating ang araw, ibang tao na ang iyong hahagkan.
Hindi naipaglaban, ang nabuong sumpaan.
Natakot na ikaw ay mawala ng tuluyan.
Pinigilan ang sarili, tinalikuran ang nararamdaman.
Masayahin, pero puro luha ang laman.

Lunes, Mayo 7, 2012

Mahirap magtago ng sikreto lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa mundo.



Ilang beses ko nang naramdaman to. Pero ano ba yung sikretong yun? Yung sikretong gusto mo siyang alagaan. Gusto mong mahalin. Pano pa magiging sikreto? Kung sinabi ko na dito?

Tayo ay magbalik at ating talakayin ang problema ng bawat isa sa atin.

Minsan kasi ang nangyayari satin takot tayo masira ang friendship ng bawat isa.
Kasi nakakatakot baka mag kailangan kayo diba?

Di tulad ng pagkaibigan mo lang.Eh malalambing mo at hindi ka pa mag seselos kahit sino pa kasama niya.
Eh what if commited na kayo?

Yung dating hindi mo nakakaaway at nakakatampuhan eh nagiging dahilan ng hindi mo pagkain sa umaga,tanghali at gabi?

Yung dating kabiruan mo eh isa na sa mga taong seryoso sayo.

Magrereklamo kang nasaskal ka eh kasi pumasok ka sa relasyon.

Kelangan nang dalawang taong malawak ang utak (o kaya mataba ang utak) haha
para magkaintindihan. 

Kung magiging paranoid tayo walang mangyayari satin. Puro away lang. 

Dapat magaling ka mag desisyon. Kung kailan siya papayagan at kung kailan naman hindi. 
Masarap magmahal. May hihilingin ka pa ba pag nagmahal ka? Oo naman syempre. Meron pa. Madami tayong hinihiling. Di naman tayo mauubusan nun.

Pagumabot ka pa sa linyang ito. Maraming salamat kaibigan dahil tunay na binabasa mo ito. Gusto ko lang mag express ng nararamdaman. Dahil minsan mabigat na. sobrang bigat na.

Ma, wag na nating ipilit. - Basha

Classic Cellphone Games.



Nakakatuwa na dati sa larong Space Impact, Snake, Bantumi, React, Memory sa cellphone na 3310, 3210, 3315 at kung ano pang cellphone na may ganyang laro eh sobrang na eenjoy na natin. Yung pataasan pa kayo ng score dati sa Snake tapos naka level 9 yung level para mabilis. Nasasayo kung sanay ka sa pagpindot ng 1 tska 9 o kaya naman 3 at 7. Yung iba naman 2,4,6,8 kaso mas mahirap ito.

Sino may sabi na ang upgrade eh sa apple at android products lang? Alam mo ba dati na pwedeng i upgrade ang 3210 at 3310 o kaya naman 3315? Yung mga babaguhin yung highscore ng snake mo. Yung nag blink blink yung messages mo, yung menu mo iba na nakalagay etc.

Di tulad ngayon, nakakalito mga applications. Naglabasan ang mga nanahimik na bulaklak na pumapatay ng Zombie pati ang mga nagliliparang galit na ibon. Ngayon hahanap ka ng cellphone na luma para malaro lang yung mga classic games na nilalaro mo dati. Malamang hindi na masyado inabutan to ng mga bagong henerasyon ngayon. Sosyal eh, mga 10 years old palang naka iphone na. Pa touch touch na lang. May mga larong Snake na, kaso 3D na. May larong parang space impact, kaso real time jet na. May larong bantumi. Colored na. 

Panis ano? Dati solve na tayo sa tuldok tuldok na itim na graphics na umaasang mapaganda ng backlight ng ating mga cellphone.

Bakit may biglang taong nanlalamig?



Hindi dahil umuulan, hindi dahil may aircon, hindi dahil malamig ang panahon. Kundi bakit biglang nanlalamig ang pakikitungo ng isang tao sayo?
Yun bang ang sweet niya, tapos biglang BOOM! Biglang nawala, biglang nanlamig, naging bangkay ang nararamdaman. Pagkatapos nga naman magsabi ng maanghang, maiinit na salita na muntik ka ng maniwala o maaring naniwala ka na eh bigla ka na nga lang aasa sa wala.
May ganun kasing mga tao, Ningas Kugon. Yun bang napakaraming sasabihin sayo, tapos sa raming sinabi sayo eh wala man lang siyang napatunayan, kumbaga yung mabubulaklak na salita niya eh nalanta na. Ewan, depende yan eh.
Maaring masaya lang siya nung araw na yun at nagkataon na ikaw ang naging dahilan. Kaya maaring nakapagsabi siya ng magagandang bagay sayo na sobrang sineryoso mo, nag-iwan ng mga punto na akala mo gagawa siya ng aksyon para angkinin ang puso mo.
Maari din namang ganun lang talaga siya? Maaring isa ka rin sa mga taong napangakuan niya? O kaya yung araw na yun eh wala siyang kasama kaya ikaw ang naisip niya? Tapos may nakilala siyang iba, eh dun naman siya nagbububuntot at ikaw naman eh nagmumukmok na parang naluging intsik sa sulok.
Maari din namang hindi umubra yung spark? Bigla niyang naramdaman na “Ay hindi pala, mali pala ako” pero takot na niyang sabihin sayo dahil sa takot na masaktan ka niya?
Maraming dahilan eh, hindi naman natin alam dahil wala tayo sa lugar nila. May mga tao lang talagang ganyan eh. Mahilig sa mga salita, pero walang mapanindigan.

Biyernes, Enero 27, 2012

Tadhana? Close kayo?

Sobrang swerte mo kapag mahal ka din ng gusto mo, para kang pumila sa express lane. Walang hirap, walang hassle. V.I.P Treatment. Close kayo ng tadhana kapag ganun, hindi mo nararanasan ang hirap na dinadanas ng ibang tao. Minsan tatanungin mo sa sarili mo paano nga ba nangyari yun? Ano ang diskarteng ginawa at parang magic na lang ang nangyari sa lahat, hanggang ngayon nag-iisip ka paano nag umpisa ang inyong pagmamahalan.

Kaya swerte ka, mahal ka ng mahal mo. Alagaan mo dapat yan, Parang lumalabas na sa apat sa sampung nagmamahal ang swerte rin sa taong mahal nila dahil gusto rin sila. Alagaan mo yan, bihira yan. Huwag mo ng pakawalan yan. Huwag kang magsasawa, gumawa ka ng paraan para excited ka lagi sa kanya.
Buti ka pa, ka close mo ang tadhana.

Samantalang yung ibang handa din magmahal ng tapat, hindi pa rin bigyan ng pagkakataon. Hindi nga kaya yung mga taong naghahabol ang para sayo? Kaya hindi mo makuha yung gusto mo? Paano nga kaya no? Yung taong hinahanap mo pala yung humahabol sayo, ayaw mo lang, kasi may paniniwala kang hindi ayun.
Paano nga kaya kung lumagpas na yun? May bagong cycle kaya ulit na mangyayari sa buhay mo? May bagong taong maghahabol ulit? Tapos mapapakawawalan mo ulit? Paano kung tamarin na mag generate ang tadhana ng taong para sayo kasi hindi mo pinapansin?

Tatanda ka kayang binata/dalaga? O mapapansin mo din sa huli dahil sa mga senyales na madalas mong hingin sa kanya? Walang makakasagot. May kanya kanya tayong love story.

Linggo, Enero 1, 2012

Araw ng mga Puso.

Para sakin hindi lang naman sa mga taong may relasyon ang valentines day eh. Para sakin ang valentines day ay para sa lahat. Sa mga taong mahal ang sarili. Sa mga taong in love. Hindi porket walang relasyon wala nang ka date ngayong valentines. 

Tandaan natin na lahat tayo ay may puso. At wag nating kakalimutan ang saging ok? Ano nga ba ang natural na ginagawa tuwing valentines day?
Para sakin ito ang mga ginagawa.
  • Magbibigay ng rosas ang lalake sa babae. Yung ibang lalake pag labas ng school meron mga ale na nag titinda nito. Sa halagang 50 Pesos. Mapapakilig  na nila girlfriend nila.
  • Yung iba namang kabataan sosyal. Umuutang sa magulang mabilan lang nang Bouquet ng bulaklak ang kanilang mga kasintahan.
  •  Sa mga estudyanteng magkasintahan, sabay silang uuwi. Iintayin ni lalake o ni babae ang kanyang gf/bf. Para sabay silang kakain. Gagala sa mall. Mag susuot ng mga couple shirts.
  • Magbibigay ng chocolates,greeting cards, at kung ano pang mga anek anek diyan. Basta material na bagay. May teddy bear pa. Hindi na magtataka ang babae kung san ito binili ng lalake. Malamang blue magic na naman.
  • Yung iba naman papasok sa sinehan, manunuod ng love story para lalo silang ma inlab.
  • Yung iba pupuntang tagaytay. Para sa mga high end na magkarelasyon. Pag marunong mag drive si babae/lalake. Aba roadtrip at kakaibang adventure yun!
  • yung iba. Alam na! :> sasabak sa gera. Di pa naman bagong taon eh nag puputukan na sa loob ng hotel. Sasalubong ba sila sa chinese new year? Sabagay. Pula naman ang loob ng kuwarto.. Maraming pag pipilian. May SOGO,EUROTEL,SOFITEL, kung mayaman ka SHANGRILA HOTEL, O kaya sa kahit anong 5 star hotel kung gusto mong maging memorabol ito.
Marami pang mga bagay para maipakita ang pag mamahalan sa isat isa. Sa mga taong single? Wala lang. Mag lagi sa bahay. Wag mag bitter. Wag hanapin. Malay mo sa araw na umalis ka pa eh yun na pala yung tatamaan ka na nang arrow ni kupido. Sayang naman diba?
Masarap magmahal. Para kang kinukuryente sa kilig.
Ang pag ibig ay nakakabaliw na nararamdaman ng isang tao. Walang gamot dito. Kundi mas magmahal pa lalo.
Kaya ayun! Advance Happy Valentines sa lahat.

Linggo, Disyembre 11, 2011

Dapat may Goal ka.

Dapat alam mo na sa edad mo ngayon ang Goal mo sa buhay. Lalo na kung Highschool ka pa lang? Dapat alam mo na ang kurso mo at ayan talaga ang gusto mo. Di tulad sa nararanasan ng ibang college students, di pala sila sigurado na gusto nila yung kurso nila kaya napapa shift sila. Minsan sobrang nahihirapan, natatapat sa mga prof na terror eh.
Ang hirap ng buhay ng walang Goal ah, may natanong kasi ako dati kung ano ang Goal niya eh wala siyang maisagot, marami daw eh. At nakakatamad daw isa-isahin.
Dapat talaga alam mo na yan, at sinasabi ko sa inyo ngayon palang. Tama pala ang lahat ng sinasabi ng Teacher sa atin nung highschool pa lamang tayo. Na ibang iba ang buhay ng College, na may sarili ka talagang buhay at hindi na uubra yung mangongopya ka. Profession mo na kasi ang pinag-uusapan dito eh.
Kaya Dear Highschool students, 
Kaya mo yan, maging independent ka habang 3rd year o 4th Year ka pa lang, para hindi ka mahirapan pagtuntong mo ng College mo. Ako kasi dati akala ko tinatakot lang ako ng Teacher namin noon kaya lumalagpas lang sa tenga yung paaral na yun. Yun pala tama sila, at ako ang mali. Kaya ayun! Kayanin mo ha? alamin mo ang goal mo sa buhay. Maganda yan, habang bata ka pa eh malaman mo na hindi biro talaga ang buhay College. Tandaan mo pagtapos ng College eh yun talaga ang tunay na buhay. Yun ang oportunidad! Doon tayo sasaya at magpapakayaman! 

Mga common na sinasabi ng mga Teacher sa Estudyante.

  • Sa lahat ng SECTION kayo lang ang maingay!
  • Wala pang pumapasa sa Exam ko.
  • Kung gago kayo, mas gago ako. At kung tatarantaduhin niyo ako? Mas tatarantaduhin ko kayo.
  • Sa lahat ng tinuturuan ko kayo lang ang magulo.
  • Paborito ko ang section niyo. 
Ewan ko, Elementary Days at Highschool Days. Nagtataka ako palagi na bakit lahat na lang ng teacher na pumapasok sa room namin eh ganito ang na eencounter ko. Dahil ba maingay talaga ang klase? Dahil ba yung section namin eh walanghiya talaga? O talagang tamang panakot lang ang ginagawa nila sa ating mga estudyante?
Sabi ko pa nga noon eh ang malas ko naman at lahat na lang ng napapasukan at na enrollan na section eh pinapagalitan at malupit pa dun eh KAMI lang lagi yung maingay, kami lang lagi yung pasaway. Pero minsan naman nakaka touch yung mga teacher noon na sasabihin na paborito daw ang section niyo. Pero kapag kinausap mo yung kabilang section eh paborito rin daw sila.
Siguro nga ibat-ibang estilo ng ating mga bayaning guro. Nakakatuwa na kahit papano eh nagkakaparepareho sila. Mas nakakatuwa pa ang mga jeproks na teacher kesa dun sa mga sobrang matatanda na, sobrang oldschool na kasi nila mag turo eh. No offense sa mga 60+ na teacher po na makakabasa nito ha? Kung meron man, aba sosyal ka po Mam/Sir. Talagang pa inter internet na lang tayo :)

Muling bubuhayin!

Napakatagal ko palang hindi na update tong blog ko na ito, at binabalak ko ulit i resurrect! Hanep ano? Parang necromancer lang sa Battle Realms o isang kontrabidang aswang sa isang Horror Story. Bakit kaya iba ang dating ng pagsusulat kapag andito? Ang laking iba kumpara sa ibang blogsite? Dahil dito talaga eh magsusulat ka lang at walang halong kasikatan na magaganap? Swerte mo nga rin pag nakilala ka dito, eh sa tindi ng mga blogger dito kumpara sa iba talagang trip lang eh mag pa cute.

Buti dito hindi uso ang pag papacute, hindi uso ang peace yo, jeje pose at marami pang iba. Nakakaburyo yung ganun, tska dito ramdam mo ang peaceful community, hindi ka pakekealamanan, pwede pa sila mag comment pagtapos mo magpost, hindi ka titingin kung may nag like ng post mo unlike tumblr and facebook.
Hanep talaga eh, imba lang. Pwede ka nga mag mura dito ng walang nagagalit, kunwari yung gago at tang-ina. O diba? Nabasa mo na, wala ka ng maiaangal pa.

Basta ang cool lang eh, astig lang. Basta, matindi paniniwala kong andito ang huling alas ko. Andito rin mga idolo ko eh, nawala na dun sa isang pinagsusulatan ko.