Halimbawa, hindi mo first time magkaroon ng relasyon. Pero sobrang nagmahalan kayo ng una pero hindi nagwork. Tapos ngayon na maghahanap ka. Sobrang tataas standards mo dahil naranasan mong mahalin ng sobra at mapag effortan sa past mo. At dahil dun nahihirapan tayo maghanap at naiinip maghintay dahil nasanay ka na minsan sa buhay mo naging sobrang espesyal ka sa tao. Tumataas expectation mo at nag eexpect ka na kahit hindi na mahigitan yung effort ng past mo eh mapantayan man lang.
Palagi nila sinasabing People Come and Go. Pero hindi ba’t nakakapagtaka na bakit may mga taong andito pa rin sa buhay natin? Tipong bago pa dumating yung mga taong yun eh andyan na sila. At nawala yung mga tao na yun eh nandyan pa rin naman sila. Ginawa mo naman best mo para manatili sila. Ginawa mo ang gusto nila. Pero sa huli talagang nawawala eh. Sadya bang kasabay ng paglipas ng panahon ang paglipas ng nararamdaman? Na ang mga taong nakakaranas na masaya sa relasyon eh yung mga taong nagtutulungan at hindi talaga hinahayaan ang isa’t-isa? Yun bang relasyon na hindi “one-sided love" yung mahal niyo talaga ang isa’t-isa at hindi dahil napilitan lang, pinagbigyan lang, o kaya naman naawa lang.
Kaya ba patuloy na single ang isang tao eh dahil ayaw niyang mag take ng risk masaktan uli? Na hindi alam ng taong single na yun na kahit sino naman ang taong makikilala mo eh once na nagmahal ka eh masasaktan at masasaktan ka uli? Kaakibat na yun eh na kaya nasasaktan tayo, nagseselos tayo, nagagalit tayo at nag-aaway tayo sa relasyon dahil gusto mong maayos yun at natatakot kang mawala siya sa buhay mo. Pero sa huli, dahil sa away na yun at intensyon mong ayusin eh umaalis na lang sila. At hindi na pinaglalaban ang relasyon na sana eh pang dalawahang taong nagmamahalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento