Sa lahat ng nakakabasa nito, swerte tayo. Know why? Kapag umalis ka ng bahay at napatambay ka sa lugar tulad ng sakayan ng Jeep. May makikita kang mga barker ng jeep na patuloy ang pagsigaw para maambunan ng limang pisong barya. Tumingin ka sa kanan eh may Ale na nagtitinda ng Palamig at sa harapan mo naman eh may lalakeng nagtitinda ng Pinya. Then uuwi ka ng bahay niyo may makakasalubong kang nagtitinda ng Yakult at hila ang karitela na puno ng Yakult. At paglagpas eh makakakita ka ng matandang Lalake na may dalang malaking FOAM or Aparador para ibenta sa inyo sa tapat ng initan.
Kung iisipin mo, ang laki ng ginhawa ng buhay mo ikumpara sa kanila, pero they continue living right?
Meaning.. Kung ano man yung problemang nararanasan natin eh kailangan nating tanggapin at hindi iwasan. Na kailangan nating isipin na yung mga bagay na hindi natin pinoproblema eh pinoproblema ng iba. Hindi ba’t nakakalungkot isipin na may mga taong iniwan lang ng JOWA nila eh gusto na nilang mamatay? Without knowing na swerte pa rin siya dahil maginhawa ang buhay niya? Na hindi dapat masyadong pinoproblema ang ganung klase ng problema? Na dapat sa likod ng nangyari sa kanya eh swerte pa rin siya sa buhay hindi tulad ng iba.
Minsan ba sumagi sa isip mo na nababasa mo to kasi swerte ka? Kasi may sarili kang Computer o kaya naman ay may pangbayad ka para makagamit ng Computer. Habang yung iba eh nasa labas ng bahay hindi magkanda ugaga buhayin ang pamilya o kaya mag hanapbuhay. And still sasabihin mong “Fuck I Hate this Life?"
Sabi nga eh never take things for granted. Hindi lahat ng bagay na meron ka eh nararanasan din ng iba. Magpasalamat tayo na yung mga bagay na naabot ng buhay natin eh inaabot palang ng iba?
Minsan, kailangan mong mapansin yung mga malilit na bagay para malaman mong malaking bagay na pala ang naibigay sayo. Still, we keep searching for more.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento