Sobrang posible magmahal kahit hindi kayo, ganun naman ang ginagawa ng karamihan eh. Pero yung magmahalan kayong dalawa na hindi pala kayo? Mas kakaibang kwento hindi ba? Bakit nga ba pinipigilan ng dalawang tao maging sila gayunpaman na mahal nila ang isat-isa? Kasi kadalasan sa henerasyon natin ngayon, kapag mahal mo at mahal ka niya automatic magiging kayo na.
Pero minsan nakakalungkot lang din at may mga balakid talaga kahit ano ang gusto mong gawin. Katulad ng relihiyon, pamilya, nakaraan etc. Hirap kalabanin ng mga yun, tipong kahit anong ipaglaban mo wala ka talagang magagawa kasi yun nga ang nakatadhana.
Kaya ayun, wala kang magagawa kundi tanggapin na lang kung ano ang nakasulat, tipong kahit anong gawin niyo wala kang magagawa kasi yun ang destiny niyo eh. Hindi pwede maging kayo, pero gustong gusto niyo ang bawat isa.
Bwisit lang yung ganung pakiramdam no? Dehins natin matanggap, pero kailangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento