Siguro nga na dalawang klase lang ang pagmamahal. Mahal at Hindi Mahal lang. Wala yung “siguro"? wala yung “ata"? wala yung “parang". Kasi sigurado ako na kapag naramdaman mo yung pagmamahal na yun sigurado ka agad eh. Alam mo sa sarili mong “shet nagmamahal na ko". Yun bang may kakaiba kang nararamdaman, lahat eh may ibig sabihin sa mga kinikilos niya. Siguro madalas tayong nasasaktan kasi akala natin mahal natin yung tao. Without knowing na na e eksayt lang pala tayo maging espesyal sa buhay ng isang tao. Kumbaga andun tayo sa point na gusto natin ng nilalambing tayo, may taong may oras sa atin, may taong mangangamusta. Pero habang tumatagal nawawala yung feelings na yun. Kumbaga nagsasawa ka dahil nakuha mo na ang gusto mo eh.
Parang sa gadget. Nung wala ka pa, hook na hook ka. Gusto mo magkaroon at parang hindi ka makatulog dahil gusto mo talaga ng gadget na yun. Pero nung nagkaroon ka na. Mga first week or first month eh halos hindi mo pakawalan, at habang tumatagal eh nawawalan ka na ng internes at nagkakaroon ka na ulet ng bagong gusto.
Parang ganun yung nangyayari sa tao. Masyado tayong curious kung ano ba ang kayang ibigay satin ng taong yun. Na hindi natin nalalaman kung mahal ba natin talaga. Sugod tayo ng sugod at sa huli nanlalamig tayo dahil hindi pala totoo ang nararamdaman.
Minsan hindi mo rin alam kung tama ba yung term na “Minahal". Tipong kung mahal ka ng taong yun. Bakit ka iniwan? Kaya it’s either mahal ka talaga or hindi lang eh. Tipong hindi mo mararanasan maghabol kung mahal ka ng taong yun. Kasi kung totoo yung pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya. Kung mahal ka niya. He/she will do the same way din eh. Talagang lesson lang ang magiging baon mo kapag hindi naging successful ang relationship na meron ka eh.
Kaya dapat sa huli? Umiibig at Nagmamahal ka eh. Umiibig dahil gusto mo siya. At Nagmamahal dahil iingatan mo siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento