Dapat may Goal ka.
Dapat alam mo na sa edad mo ngayon ang Goal mo sa buhay. Lalo na kung Highschool ka pa lang? Dapat alam mo na ang kurso mo at ayan talaga ang gusto mo. Di tulad sa nararanasan ng ibang college students, di pala sila sigurado na gusto nila yung kurso nila kaya napapa shift sila. Minsan sobrang nahihirapan, natatapat sa mga prof na terror eh.
Ang hirap ng buhay ng walang Goal ah, may natanong kasi ako dati kung ano ang Goal niya eh wala siyang maisagot, marami daw eh. At nakakatamad daw isa-isahin.
Dapat talaga alam mo na yan, at sinasabi ko sa inyo ngayon palang. Tama pala ang lahat ng sinasabi ng Teacher sa atin nung highschool pa lamang tayo. Na ibang iba ang buhay ng College, na may sarili ka talagang buhay at hindi na uubra yung mangongopya ka. Profession mo na kasi ang pinag-uusapan dito eh.
Kaya Dear Highschool students,
Kaya mo yan, maging independent ka habang 3rd year o 4th Year ka pa lang, para hindi ka mahirapan pagtuntong mo ng College mo. Ako kasi dati akala ko tinatakot lang ako ng Teacher namin noon kaya lumalagpas lang sa tenga yung paaral na yun. Yun pala tama sila, at ako ang mali. Kaya ayun! Kayanin mo ha? alamin mo ang goal mo sa buhay. Maganda yan, habang bata ka pa eh malaman mo na hindi biro talaga ang buhay College. Tandaan mo pagtapos ng College eh yun talaga ang tunay na buhay. Yun ang oportunidad! Doon tayo sasaya at magpapakayaman!
ayus ang magkaroon ng goal sa buhay pero wag nating kakalimutan na magkaroon ng plan b-z. Oo dapat talaga marami kang option para hindi ka ganung madisappoint kung hindi mo man makamit yung goal mo.
TumugonBurahinOT: ser yung entry niyo po sa pacontest ko, pabago na lang po kasi dalawang book po yung ibibigay ko. Isa yung sa mananalo at isa sa gusto nilang bigyan. Sa comment po palagay na lang yung pangalan ng blogger na gusto niyong bigyan kasama yung link. Thanks po