Nararanasan mo ba yun? Yung may kausap kang isang tao tapos todo drama ka pero sa bilis ng pag ttype mo o kaya naman sa gulo ng isip mo eh na rorong spelling ka na o kaya naman eh nadadagdagan ng katabing letra ang iyong drama. Minsan kasi nakakawala ng momentum yun eh, tapos minsan di mo maiwasang i korek kasi parang awkward kapag hinayaan mo lang itong mali.
Halimbawa.
- Hindi na tayoi tulad ng dati.
- Mahal naman kita ehg.
- Anoi na ba nangyari? Ginawa ko naman lahat ng makakayta ko ah?!
- Hindi ikaw ang may kasalanan, ako lang. Kailanganm ko hanapin ang sarili koi.
- Alam moi? Mahal kita. Lahat handa kong itama para lang sayo. Ikaw ang langit, ako ang luipa.
- Di koi kayanmg mawala kaa!!
- Wag mo king iwan!!!
At sobra dami pang iba na typo error na nararanasan ng mga tao sa bawat kalandian nila sa chat o skype o san pa mang networking sites na kailangan gamitan ng letra. Minsan nakakaloko lang eh no? Yung tipong kumpleto na sana ang drama mo. Pero sa huli epic fail drama ang kinalabasan. Pero yung iba di na pinapansin yun eh. Common sense na lang. Problema ba nila dun diba? Sa malalaki ang daliri eh. Ika nga nila eh it’s the thought that counts!
Hahahaha! Grabe! Sobrang relate ko dito! Di mo talaga maiiwasang mai-correct pag mali eh. Pero minsan. Sige lang! Wala nang pakialam =))
TumugonBurahin