Sabado, Setyembre 22, 2012

Mainipin na ang tao ngayon.


Ang gusto nila makuha agad nila ang resulta na gusto nila, tipong kapag inisip nila ngayon eh dapat may resulta agad. Kunwari isang tao na gustong yumaman, ang iisipin niya eh nagtatrabaho naman siya ng husto pero bakit hindi pa rin siya yumayaman tulad ng iba? Nagiging impatient na ang mga tao dahil nga super fast-paced na ang mundong ginagalawan natin.

Kaya nakakainis manuod ng pelikula minsan, tipong sa loob ng tatlong segundo eh 3 years later na agad. Tapos makikita mo doon ang resulta ng ginawa niya, hirap din kasi kapag nahilig ka sa ganun eh, hindi mo alam ang takbo ng istorya, tska yung mga palabas naman na yan eh inspirasyon lang para ganahan ka lalo sa buhay mo.
Parang sa pag-ibig din, hindi naman porket gusto mo eh liligawan mo agad. Dapat may timing, dapat pinaghihirapan, maaring tumagal ng taon o buwan depende sa taong gusto mo. Mas mapapadali kung may gusto rin siya sayo, pero kapag wala eh naku, katakot-takot na sakripisyo ang gagawin mo.

2 komento:

  1. tama ka, dala na rin siguro ito ng papabilis na ikot ng mundo.
    Sana nga maisip ng mga director na imbes na gawing "3 years later" ipakita kung anong nangyari sa tatlong taon na iyon. Hindi naman kasi kailangang madaliin ang tao at ipalabas lang ang mga ito sa isahang panonood, pwede naman kasing mag part 2 o kaya part 3. tiyak magiging parte ng buhay ng mga manunuod ang karakter ng kwento at sa ganitong paraan baka ang layunin na mainspire ang manunuod ay mas magiging epektive.

    Ngayon lang ako napabisita sa blospot account mo. Maligayang pagbablog, welcome to blogger.

    TumugonBurahin
  2. "Dapat may timing, dapat pinaghihirapan" very well said :D Paragng eto lang yun, ang mga bagay na madaling makuha ay mga bagay ding madaling mawala.

    TumugonBurahin