Biyernes, Enero 27, 2012

Tadhana? Close kayo?

Sobrang swerte mo kapag mahal ka din ng gusto mo, para kang pumila sa express lane. Walang hirap, walang hassle. V.I.P Treatment. Close kayo ng tadhana kapag ganun, hindi mo nararanasan ang hirap na dinadanas ng ibang tao. Minsan tatanungin mo sa sarili mo paano nga ba nangyari yun? Ano ang diskarteng ginawa at parang magic na lang ang nangyari sa lahat, hanggang ngayon nag-iisip ka paano nag umpisa ang inyong pagmamahalan.

Kaya swerte ka, mahal ka ng mahal mo. Alagaan mo dapat yan, Parang lumalabas na sa apat sa sampung nagmamahal ang swerte rin sa taong mahal nila dahil gusto rin sila. Alagaan mo yan, bihira yan. Huwag mo ng pakawalan yan. Huwag kang magsasawa, gumawa ka ng paraan para excited ka lagi sa kanya.
Buti ka pa, ka close mo ang tadhana.

Samantalang yung ibang handa din magmahal ng tapat, hindi pa rin bigyan ng pagkakataon. Hindi nga kaya yung mga taong naghahabol ang para sayo? Kaya hindi mo makuha yung gusto mo? Paano nga kaya no? Yung taong hinahanap mo pala yung humahabol sayo, ayaw mo lang, kasi may paniniwala kang hindi ayun.
Paano nga kaya kung lumagpas na yun? May bagong cycle kaya ulit na mangyayari sa buhay mo? May bagong taong maghahabol ulit? Tapos mapapakawawalan mo ulit? Paano kung tamarin na mag generate ang tadhana ng taong para sayo kasi hindi mo pinapansin?

Tatanda ka kayang binata/dalaga? O mapapansin mo din sa huli dahil sa mga senyales na madalas mong hingin sa kanya? Walang makakasagot. May kanya kanya tayong love story.

2 komento:

  1. Hello Rhad, I saw your tumblr (talaga nmang walang e ang tumblr di ba?) haha, when I was looking on Top Pinoy blogs. And i saw yours, so supposedly this is my first time na makita ang blog mo sa tanang buhay ko. That's why konti palang nababasa kong posts mo. Anyway, i've read your post about who you are, when you were a kid, and i can relate to that. Isa din kaming hampas lupa, well the difference is, wala akong psp. hahaha. Just wanted to say that your blog caught my attention.hahaha I am into subscribing blogs kasi kaso puro sya tungkol sa girl thing, so ngayon magbabasa muna ako ng mga previous posts mo so i'll know you more! Keep on writing Dude! Have a nice day - Jhenn

    TumugonBurahin