Lunes, Mayo 7, 2012

Bakit may biglang taong nanlalamig?



Hindi dahil umuulan, hindi dahil may aircon, hindi dahil malamig ang panahon. Kundi bakit biglang nanlalamig ang pakikitungo ng isang tao sayo?
Yun bang ang sweet niya, tapos biglang BOOM! Biglang nawala, biglang nanlamig, naging bangkay ang nararamdaman. Pagkatapos nga naman magsabi ng maanghang, maiinit na salita na muntik ka ng maniwala o maaring naniwala ka na eh bigla ka na nga lang aasa sa wala.
May ganun kasing mga tao, Ningas Kugon. Yun bang napakaraming sasabihin sayo, tapos sa raming sinabi sayo eh wala man lang siyang napatunayan, kumbaga yung mabubulaklak na salita niya eh nalanta na. Ewan, depende yan eh.
Maaring masaya lang siya nung araw na yun at nagkataon na ikaw ang naging dahilan. Kaya maaring nakapagsabi siya ng magagandang bagay sayo na sobrang sineryoso mo, nag-iwan ng mga punto na akala mo gagawa siya ng aksyon para angkinin ang puso mo.
Maari din namang ganun lang talaga siya? Maaring isa ka rin sa mga taong napangakuan niya? O kaya yung araw na yun eh wala siyang kasama kaya ikaw ang naisip niya? Tapos may nakilala siyang iba, eh dun naman siya nagbububuntot at ikaw naman eh nagmumukmok na parang naluging intsik sa sulok.
Maari din namang hindi umubra yung spark? Bigla niyang naramdaman na “Ay hindi pala, mali pala ako” pero takot na niyang sabihin sayo dahil sa takot na masaktan ka niya?
Maraming dahilan eh, hindi naman natin alam dahil wala tayo sa lugar nila. May mga tao lang talagang ganyan eh. Mahilig sa mga salita, pero walang mapanindigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento