Nakakatuwa na dati sa larong Space Impact, Snake, Bantumi, React, Memory sa cellphone na 3310, 3210, 3315 at kung ano pang cellphone na may ganyang laro eh sobrang na eenjoy na natin. Yung pataasan pa kayo ng score dati sa Snake tapos naka level 9 yung level para mabilis. Nasasayo kung sanay ka sa pagpindot ng 1 tska 9 o kaya naman 3 at 7. Yung iba naman 2,4,6,8 kaso mas mahirap ito.
Sino may sabi na ang upgrade eh sa apple at android products lang? Alam mo ba dati na pwedeng i upgrade ang 3210 at 3310 o kaya naman 3315? Yung mga babaguhin yung highscore ng snake mo. Yung nag blink blink yung messages mo, yung menu mo iba na nakalagay etc.
Di tulad ngayon, nakakalito mga applications. Naglabasan ang mga nanahimik na bulaklak na pumapatay ng Zombie pati ang mga nagliliparang galit na ibon. Ngayon hahanap ka ng cellphone na luma para malaro lang yung mga classic games na nilalaro mo dati. Malamang hindi na masyado inabutan to ng mga bagong henerasyon ngayon. Sosyal eh, mga 10 years old palang naka iphone na. Pa touch touch na lang. May mga larong Snake na, kaso 3D na. May larong parang space impact, kaso real time jet na. May larong bantumi. Colored na.
Panis ano? Dati solve na tayo sa tuldok tuldok na itim na graphics na umaasang mapaganda ng backlight ng ating mga cellphone.
Super like po kuya Rhadson :) kamiss talaga yung mga larong yun xD
TumugonBurahin