Martes, Agosto 6, 2013
“Minsan maiisip mo na lang na parang lumipas yung panahon na parang walang nangyari sa inyo. Nakakalungkot isipin na parang wala ng katapusan yung kasiyahan na nadarama mo non. Yun bang hindi mo maiisip na baka bukas eh wala na siya. Talaga pala na minsan wala kang clue na bigla na lang mawawala sayo yung tao.”
Halimbawa, hindi mo first time magkaroon ng relasyon. Pero sobrang nagmahalan kayo ng una pero hindi nagwork. Tapos ngayon na maghahanap ka. Sobrang tataas standards mo dahil naranasan mong mahalin ng sobra at mapag effortan sa past mo. At dahil dun nahihirapan tayo maghanap at naiinip maghintay dahil nasanay ka na minsan sa buhay mo naging sobrang espesyal ka sa tao. Tumataas expectation mo at nag eexpect ka na kahit hindi na mahigitan yung effort ng past mo eh mapantayan man lang.
Palagi nila sinasabing People Come and Go. Pero hindi ba’t nakakapagtaka na bakit may mga taong andito pa rin sa buhay natin? Tipong bago pa dumating yung mga taong yun eh andyan na sila. At nawala yung mga tao na yun eh nandyan pa rin naman sila. Ginawa mo naman best mo para manatili sila. Ginawa mo ang gusto nila. Pero sa huli talagang nawawala eh. Sadya bang kasabay ng paglipas ng panahon ang paglipas ng nararamdaman? Na ang mga taong nakakaranas na masaya sa relasyon eh yung mga taong nagtutulungan at hindi talaga hinahayaan ang isa’t-isa? Yun bang relasyon na hindi “one-sided love" yung mahal niyo talaga ang isa’t-isa at hindi dahil napilitan lang, pinagbigyan lang, o kaya naman naawa lang.
Kaya ba patuloy na single ang isang tao eh dahil ayaw niyang mag take ng risk masaktan uli? Na hindi alam ng taong single na yun na kahit sino naman ang taong makikilala mo eh once na nagmahal ka eh masasaktan at masasaktan ka uli? Kaakibat na yun eh na kaya nasasaktan tayo, nagseselos tayo, nagagalit tayo at nag-aaway tayo sa relasyon dahil gusto mong maayos yun at natatakot kang mawala siya sa buhay mo. Pero sa huli, dahil sa away na yun at intensyon mong ayusin eh umaalis na lang sila. At hindi na pinaglalaban ang relasyon na sana eh pang dalawahang taong nagmamahalan.

Swerte ka.
Sa lahat ng nakakabasa nito, swerte tayo. Know why? Kapag umalis ka ng bahay at napatambay ka sa lugar tulad ng sakayan ng Jeep. May makikita kang mga barker ng jeep na patuloy ang pagsigaw para maambunan ng limang pisong barya. Tumingin ka sa kanan eh may Ale na nagtitinda ng Palamig at sa harapan mo naman eh may lalakeng nagtitinda ng Pinya. Then uuwi ka ng bahay niyo may makakasalubong kang nagtitinda ng Yakult at hila ang karitela na puno ng Yakult. At paglagpas eh makakakita ka ng matandang Lalake na may dalang malaking FOAM or Aparador para ibenta sa inyo sa tapat ng initan.
Kung iisipin mo, ang laki ng ginhawa ng buhay mo ikumpara sa kanila, pero they continue living right?
Meaning.. Kung ano man yung problemang nararanasan natin eh kailangan nating tanggapin at hindi iwasan. Na kailangan nating isipin na yung mga bagay na hindi natin pinoproblema eh pinoproblema ng iba. Hindi ba’t nakakalungkot isipin na may mga taong iniwan lang ng JOWA nila eh gusto na nilang mamatay? Without knowing na swerte pa rin siya dahil maginhawa ang buhay niya? Na hindi dapat masyadong pinoproblema ang ganung klase ng problema? Na dapat sa likod ng nangyari sa kanya eh swerte pa rin siya sa buhay hindi tulad ng iba.
Minsan ba sumagi sa isip mo na nababasa mo to kasi swerte ka? Kasi may sarili kang Computer o kaya naman ay may pangbayad ka para makagamit ng Computer. Habang yung iba eh nasa labas ng bahay hindi magkanda ugaga buhayin ang pamilya o kaya mag hanapbuhay. And still sasabihin mong “Fuck I Hate this Life?"
Sabi nga eh never take things for granted. Hindi lahat ng bagay na meron ka eh nararanasan din ng iba. Magpasalamat tayo na yung mga bagay na naabot ng buhay natin eh inaabot palang ng iba?
Minsan, kailangan mong mapansin yung mga malilit na bagay para malaman mong malaking bagay na pala ang naibigay sayo. Still, we keep searching for more.

Nagmamahalan kahit hindi naman kayo.
Sobrang posible magmahal kahit hindi kayo, ganun naman ang ginagawa ng karamihan eh. Pero yung magmahalan kayong dalawa na hindi pala kayo? Mas kakaibang kwento hindi ba? Bakit nga ba pinipigilan ng dalawang tao maging sila gayunpaman na mahal nila ang isat-isa? Kasi kadalasan sa henerasyon natin ngayon, kapag mahal mo at mahal ka niya automatic magiging kayo na.
Pero minsan nakakalungkot lang din at may mga balakid talaga kahit ano ang gusto mong gawin. Katulad ng relihiyon, pamilya, nakaraan etc. Hirap kalabanin ng mga yun, tipong kahit anong ipaglaban mo wala ka talagang magagawa kasi yun nga ang nakatadhana.
Kaya ayun, wala kang magagawa kundi tanggapin na lang kung ano ang nakasulat, tipong kahit anong gawin niyo wala kang magagawa kasi yun ang destiny niyo eh. Hindi pwede maging kayo, pero gustong gusto niyo ang bawat isa.
Bwisit lang yung ganung pakiramdam no? Dehins natin matanggap, pero kailangan.
Siguro nga na dalawang klase lang ang pagmamahal. Mahal at Hindi Mahal lang. Wala yung “siguro"? wala yung “ata"? wala yung “parang". Kasi sigurado ako na kapag naramdaman mo yung pagmamahal na yun sigurado ka agad eh. Alam mo sa sarili mong “shet nagmamahal na ko". Yun bang may kakaiba kang nararamdaman, lahat eh may ibig sabihin sa mga kinikilos niya. Siguro madalas tayong nasasaktan kasi akala natin mahal natin yung tao. Without knowing na na e eksayt lang pala tayo maging espesyal sa buhay ng isang tao. Kumbaga andun tayo sa point na gusto natin ng nilalambing tayo, may taong may oras sa atin, may taong mangangamusta. Pero habang tumatagal nawawala yung feelings na yun. Kumbaga nagsasawa ka dahil nakuha mo na ang gusto mo eh.
Parang sa gadget. Nung wala ka pa, hook na hook ka. Gusto mo magkaroon at parang hindi ka makatulog dahil gusto mo talaga ng gadget na yun. Pero nung nagkaroon ka na. Mga first week or first month eh halos hindi mo pakawalan, at habang tumatagal eh nawawalan ka na ng internes at nagkakaroon ka na ulet ng bagong gusto.
Parang ganun yung nangyayari sa tao. Masyado tayong curious kung ano ba ang kayang ibigay satin ng taong yun. Na hindi natin nalalaman kung mahal ba natin talaga. Sugod tayo ng sugod at sa huli nanlalamig tayo dahil hindi pala totoo ang nararamdaman.
Minsan hindi mo rin alam kung tama ba yung term na “Minahal". Tipong kung mahal ka ng taong yun. Bakit ka iniwan? Kaya it’s either mahal ka talaga or hindi lang eh. Tipong hindi mo mararanasan maghabol kung mahal ka ng taong yun. Kasi kung totoo yung pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya. Kung mahal ka niya. He/she will do the same way din eh. Talagang lesson lang ang magiging baon mo kapag hindi naging successful ang relationship na meron ka eh.
Kaya dapat sa huli? Umiibig at Nagmamahal ka eh. Umiibig dahil gusto mo siya. At Nagmamahal dahil iingatan mo siya.

Nakakamiss yung mga araw na may yayakap sayo kapag malungkot ka or nagtatampo ka. Yun bang hindi ka namromroblema maging malungkot dahil alam mong mamaya lang eh hindi ka matitiis ng taong kinakasama mo. Alam mong may lalambing sayo. Alam mong may nagmamahal sayo.
Nakakamiss yung mga away na kinaiinisan mo nung meron pang “kayo". Tapos marerealize mo na yung away pala na yun ang pinaka lambing dahil may gusto kayong ayusin at may pinaglalaban kayong dalawa.
Nakakamiss na may taong laging nandyan para masabihan ng problema. Yun taong sasabihing :"Kasama mo ako, huwag ka mag-alala. Makakaya mo yan. Dalawa tayo dito".
Nakakamiss maglakad na may kahawak kamay at kapag nakita mo siya sa tabi mo eh nakangiti siya sayo. Yung mga araw na sobrang higpit ng hawak niya sa kamay mo. Para bang ayaw niyang mawala. Yung ayaw niyang may makakahawak pang iba. Yung hawak na sosolohin ka lang niya. Yung hawak na wala na siyang hahawakan pang iba.
Nakakamiss tumawa ng may kasama.
Nakakamiss gumising ng umaga na may lambing na mababasa/mararamdaman galing sa kanya.
Nakakamiss gumawa ng pangarap na pang dalawa. Nakakalungkot isipin na yung mga pangarap niyong binuo eh parang iniwan lang sa isang bodega at kahit kailan ay hindi na ito muling nabuksan. Para bang sariwa pa ang mga pangarap sayo pero sa kanya eh inaagiw na, At ang malungkot dun kaya pala hindi na napapansin eh gumagawa na ulit siya ng pangarap na ang kasama ay iba.
Nakakamiss makaramdam na may isang taong hindi mo kilala dati na nagmamahal sayo. Yun bang, magugulat ka na out of nowhere eh pinagtagpo kayo. Kahit na hindi nag work eh natutuwa kang naranasan mo. Minsan mahirap tanggapin na mahirap. Naranasan mo kasing masarap eh. Kaya hahanap hanapin mo.
Nakakamiss maging masaya ng sobrang tagal. Hindi yung saya dahil may birthday ang kaibigan mo, may bago kang gamit, mataas ang grades mo at marami pang pansamantalang kasiyahan. Kundi, nakakamiss maging masaya na siya ang dahilan. Nakakamiss ma inspired dahil lang sa sinabi niyang mahal ka niya. Yung mga salita niya na “Energizers mo".
Nakakamiss lahat. Pero heto tayo isa sa mga taong umaasa na darating din yan. Na siguro hindi mo pa turn o kaya naman eh lumagpas at kailangan ulit umikot ng roleta para mag krus ulit ang inyong landas. Totoo nga kaya yung maghintay na walang ginagawa? Kung yung oras nga na may ginagawa ka eh wala pa ring makapansin? Paano pa yung naghihintay ka? Eh ayaw sa lahat ng tao nag aassume? Paano mo malalamang may dadating sa buhay mo? Paano mo malalamang mahal ka ng tao? Kung ang iniisip din niya eh maghihintay din? Paano kung naghihintayan kayo? Paano kung parehas kayong natatakot magsabi dahil sa dami mo ng beses na na reject ng tao eh nawawalan ka na din ng pag-asa sa sarili mo?
Nakakamiss no? Nakakamiss mamroblema ng problema ng partner mo. Yun bang problema niya eh problema mo na rin. Nakakamiss may ka share sa buhay :) Nakakamiss may kayakap. Nakakamiss. Nakakamiss :)
Stay sweet sa partner mo and forget about pride. Ok lang magselos pero wag dadating sa puntong magiging sobra na at kung ano ano na ang sinasabi mo sa kanya. Hindi rin naman kawalan ng tiwala ang selos, may point lang talaga na hindi nagiging positive ang lahat. Dumedepende sa mood at sa iisipin ng tao. Depende rin kung ano ang meron sa paligid kaya nagseselos. Halimbawa, inuman. Asahan mong magagalit yan. Inuman yan eh. Nag iiba ang bait ng paligid kapag ang tao ay nakainom. Kung babae ka at "One of the Boys" ka, ipakilala mo yung mga kaibigan mong lalake at make sure iiwas ka sa mga bagay na siguradong makakasira ng relasyon niyong dalawa.
Magpaalam ka sa kanya. Kapag hindi ka pinayagan. Huwag mo ng ituloy. Kaya ka nagpapaalam dahil gusto mong malaman kung papayagan ka or hindi. Committed ka kaya kasama siya sa ibang pag dedesisyon mo. Pero kapag sobra na at halos solohin ka na, sabihin mo na hindi pwedeng sa inyong dalawa lang iikot ang mundo niyong dalawa. Kailangan mo din kamo ng kaibigan. I-point out mo yung gusto mo iparating sa kanya. Ipaliwanag mo kung bakit ka aalis kasama siya o kung ano ang gagawin niyo. Kailangan niya malaman yun para hindi mabuo ang panget na istorya sa isip niya. Sabi ko nga dati pa, kapag ang tao napaparanoid lahat ng negative na gagawin ng isang tao eh maiisip niya kahit gaano ka pa ka positive o ka confident na wala kang ginagawang masama. Mahalaga na i update mo siya. Communication is the key. Hindi dapat nawawala ito. Ipakita mong kahit na may ibang tao sa paligid mo eh hindi mo siya nakakalimutan.
Ang nais lang ng partner natin ay maramdaman na espesyal sila. Sa oras na mabalewala sila magtatampo siya. At kapag nagtampo siya huwag mo ng gatungan pa ng galit. Ang taong nagtatampo, humihingi ng kapatawaran mula sayo o kaya naman eh lambing. Hindi mo kailangan palalain ang sitwasyon dahil lang nagtampo siya. Nagtampo siya kasi mahalaga ka sa kanya, nagagalit yan kasi takot siyang mawala ka sa kanya.
Iparamdam mo na siya ang pinakamagandang babae sa mundo o kaya naman eh ang Knight in Shining Armor na kailangan mo. Masarap magmahal. Kaya ang tao, kahit patuloy na nasasaktan. Eh hindi mo mapipigilan magmahal. Ingatan mo kung meron ka na. Alagaan mo. Hindi lahat ng tao nakakaranas ng kasiyahan na nararamdaman mo ngayon dahil may partner ka sa buhay.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)