Linggo, Setyembre 18, 2011

STOP. LOOK. LISTEN

STOP.
Kung sa tingin mo ay wala na talaga. Walang gamit sa tanga kundi pagkukusa. Wala tayong magagawa kung ayaw nila. Wag pilitin. Hindi tayo ang nakalaan sa kanila.

LOOK. 
Magmasid nang iba pa. Wag ikubli ang sarili sa iisang tao habang hindi naman talaga naging kayo. Maaring masaktan mo lang ang iyong sarili. Mahirap masaktan. Mabigat sa damdamin.

LISTEN.
Makinig sa mga payo ng kaibigan mo. OO ikaw ang masusunod. Pero kailangan mo nang ibang payo para mas mapabuti ang pag dedesisyon mo. Alam mo naman siguro ang tama at mali. Ang seryoso sa hindi. Ang totoo sa kasinungalingan lang.

Mga tao sa paligid mo.

Kahit na tratuhin mo ang tao mo nang pagiging mabait at tapat, karamihan pa rin sa kanila ang magagalit dahil sa ibat-ibang rason, at hindi ka makakaangal.


Dahilan na gawin mo na lang lahat ng naiisip mong gawin, dahil nga kahit wala kang ginagawa o meron ka mang ginagawa, patuloy na magdududa ang tao, patuloy itong mamimintang, anong magagawa kung aangal ka? Eh nasabi na nila, napansin na nila ang mali sa ginagawa mo, may magagawa ka pa ba? Minsan dinadaan nila ito sa biro para magtanda ka, dahil kapag sineryoso ito baka ikagalit mo pa ito, ang tunay na kaibigan sinasaktan ang damdamin ng kaibigan sa malinis na paraan maitama lang ang landas nito.

Gusto lang tumulong ng mga kaibigan/tao sa paligid na nakakakilala sayo, kaya sila nagkakaganun. Napapansin nila ang mali na pwede namang itama habang maaga pa. Kung wala yung mga kaibigan na ganyan as buhay mo, ibang tao pa ang makakapansin dito, at yun ang panget don.

Respeto.


Tratuhin mo lahat nang pagmamahal, kahit na yung mga taong masama sayo hindi dahil masama sila sayo, kundi mas mabait ka lang talaga sa kanila.
Walang magagawa ang pagkimkim ng galit sa kapwa, walang mangyayari kung palagi ka na lang makikipag away. Hindi ka pa ba nagsasawa? Araw-araw na ginawa ng diyos, pang aaway pa rin ang nasa isip mo, galit ka pa rin sa kapwa mo.

Kung sa tingin mo ikaw yung may mas isip, edi mahalin mo lang bilang kaibigan ang kaaway mo. Yung tipong huwag mo siyang sisiraan sa mga kaibigan mo, lalo na yung mga taong hindi naman talaga sila kilala, mas masama ka kapag nangyari yun. Kasi, umpisa palang nga hindi nila kilala, tapos ikwekwento mo sa kaibigan mo yung kaaway mo, lahat ng kasamaan, panlalait sinabi mo na, makaganti lang sa kaaway mo. Eh paano kung kayo lang yung my issue? Bakit idadamay pa ang kaibigan?

Sana ganito tayo ka mature lahat, madali lang naman gawin e, basta bukas lang ang iyong puso at isipan.

Ang pagmamahal ay parang flash disk.

Isave mo ang lahat ng alaala mo sa taong mahal mo.

Ibig sabihin ito ang gawin mong alaala. Nang mga pagsasama niyo pati mga ginawa niyo sa isat-isa. Para lagi mong makikita o maalala.


Ang Flash Disk pwede mo dalin kahit saan.

Parang pag-ibig. Pwede mong dalin kahit saan. Proud ka pa nga at meron nito. Parang usb. Minsan sinasabit pa sa ID para masabing may USB ka. Parang pagmamahal din. Sinasabit mo sa puso mo yung taong mahal mo para makita nila.

Sa oras na nasaktan ka ng pagibig na ito. Tandaan mo ang Flash Disk ay.


Pwedeng magbura ng files na nasave na.

Parang sa pagmamahal. Pwede mong burahin yung mga panget na nakaraan sayo at itira yung magagandang nangyari sayo. Sayang naman kung buburahin mo lang rin. Pinaghirapan mo rin naman yung iba dun no.


Pero may oras na navivirus ang USB. Kailangan i reformat.

Kung ihahalintulad sa pagmamahal. Ang pag-mamahal kapag na virus ito. O sabihin nating nagkaroon ng lokohan dito. Yung tipong sa ganda ng relasyon niyo eh nagawa niya pang manloko. Sa tingin ko dapat nang ireformat ito. Puro lokohan lang pala ang nangyari sa inyo. Pina asa ka niyang iisa ka lang sa kanya. Marami pala kayong FILES sa puso niya. Ireformat mo na yan. At humanap ng bagong taong ilalagay sa Flash Disk mo :)

Pera? Pambili ng pansamantalang kasiyahan.

Isa ka rin ba sa mga taong naniniwala na ang pera ay kasama sa buhay natin para sumaya?
Kunwari na lang nito ay ang cellphone, sa tingin mo ba magiging masaya ka kapag walang cellphone? Kung sakaling wala kang cellphone, malamang na hindi ganoon karami ang kaibigan mo ngayon. Ano ba ang gamit para makabili sa cellphone? hindi bat ang pera? Ibig sabihin nun napasaya ka gamit ng pera.

Isa pa ang bahay, nabili ba ng magulang mo ang isang bahay kung tumatawa lang sila? Kung puro ligaya at pagmamahalan lang ang ginawa nila? Siguro nagiging inspirasyon nang magulang mo ang isat-isa para kumita ng pera at maging masaya dahil sa nabibili nila ang gusto ng isat-isa at mga anak nila.

Sa pansarili mo na lang rin, wala kang internet ngayon kung wala kang pera, kung yung magulang mo eh sobrang gipit, sa tingin mo ba may computer ka ngayon kung hindi yan nabili gamit ang pera?

Ang tao ay sobrang praktikal na ngayon, maaring sumama sila sa mga taong masasabi nating may kaya. Mga taong masasabi nating may maipagmamalaki, dahil future na ang pinag uusapan natin dito. Magiging masaya ka talaga.

Ang masasabi nating hindi mabibili ng pera ay yung kasiyahan na dulot ng ibang tao, yung pagmamahal, pag aalaga, yung pag aalala, yung mga effort na ginagawa ng tao sa atin, ito yung mga bagay na hindi mabibili ng pera, mga bagay na mas masarap damhin kesa sa mga nabibili ng pera.

Pekshur Pekshur sa ~*stahVuxsz*~ (Starbucks).

Bakit nga kaya nakaugalian ng tao ito? Ang mag picture sa loob ng ~*stahVuxsz*~. Pakialam nga ba naman natin diba? Eh may sarili silang mga buhay, anong magagawa mo? May pambili sila ng ~*stahVuxsz*~ coffee. 
Pero pwede rin naman mag picture habang tumitikim ng Ice cramble diba?
O kaya naman mag picture habang umiinom ng ice tubig.
Pwede rin naman mag picture habang kumakain ng binatog,
kumain ng kwek-kwek, o kaya naman ng kahit na ano.
Siguro sa pagmamasid sa mga taong nasa loob nito, napansin ko na kaya sila kumukuha ng pekshur sa ~*stahVuxsz*~ eh dahil sa
  • Ipagyayabang sa kaibigan nila na mahal ang kape dito.
  • Hindi lahat ng tao nakakatambay dito.
  • Tska pang  world class naman talaga.
  • Magkakasama ang magkakaibigan kaya sila nag pipicturan.
  • Anong magagawa mo? May dala silang camera eh, ano gagawin nila dun? Ashtray?
Patuloy na mangengealam ang tao sa buhay ng ibang tao, yung mga taong umaangal sa mga taong nag pipicture sa starbucks eh may mga picture din naman, with matching name pa sa baso.
Eh kahit ako kung tatanungin eh mag pipicture din ako, pang sosyal na place kaya yun, so lots of conyo people there no! Picture lang naman eh, anong masama dun diba?
May mga taong pilit na nagagalit at naiinis dahil sa mga taong pekshur ng pekshur sa ~*stahVuxsz*~ na yan. Wala tayong magagawa dun. Trip nila yun eh, yung mag pekshur sa ~*stahVuxsz*~ coffee ~~~~.
~LiLmatAvHangUtaK xigNing OutsZ~
         ~KhyErhadxsingKo~

Mga priceless na bagay na magagawa ng isang tao.

Kung tutuusin eh lahat ng gagawin sayo ng isang tao ay priceless. Pero ito ang iilan sa nalalaman kong nakakatuwa at nakakakilig naman talaga.
  • Ang makitang andiyan siya palagi sa tabi mo.
  • Ang samahan ka sa oras na gusto mong mag shopping.
  • Na kahit mainit eh ayan pa rin siyang katabi mo.
  • Ang makipag kulitan sa oras na super bored ka.
  • Ang mga bagay na siya lang ang nakakagawa mapangiti ka lang.
  • Ang  ngumiti siyang ikaw ang dahilan.
  • Ang mapangiti kang siya naman ang dahilan.
  • Ang “APIR” na kayong dalawa ang gagawa.
  • Ang kindat niyang walang katulad.
  • Ang halakhak na sa kanya mo lang maririnig kapag siya ay iyong napapatawa.
  • At higit sa lahat, sa oras na mahal mo na siya. Eh handa ka rin niyang mahalin.

Buhay sa loob ng Tren.

Dito na ata iikot ang buhay ko sa loob ng tren na ito, paano ba naman kasi araw-araw na lang ako sumasakay dito. Ang saya pala sumakay sa Tren. Ang daming ibat-ibang tao na pwedeng makita. Magkasintahan na nag-uusap, mga babae na nag chichikahan sa mga close friends nila, grupo ng lalake na nagtatawanan at taong mga forever alone. Tulad ng lalake na nag lalaro ng PSP, babae na naka MP3, at yung tao na tumutulo ang laway sa isang tabi. Napatingin ako sa isang matanda at sa tingin ko ay inaantok din siya. Pagkahikab niya kasi nalaglag ang pustiso niya.


Ayun! May bumaba na pasahero, pero mas marami ang pumasok. Pauwi nako kaya naman marami na rin ang pauwi galing sa date, group project, eskwelahan, trabaho at yung iba eh trip lang talaga sumakay ng tren. Akala siguro nila ito yung horror train na nakikita nila sa mga mall. Yung may mang gugulat na Gorilla o anu mang nakamaskara para takutin ang mga inosenteng bata. Pagkatapos nun eh maiisip mo na lang na sinayang mo lang ang pera mo.

Hala! May pumasok na matanda, nakaharap sakin Powtek! Pagod pa naman ako at pinaglaban ko talaga ang upuan na ito. Kaw ba naman makikpagsiksikan habang nag-aabang ng tren. Tapos ang lahat parang kasali sa larong “Trip to Jerusalem sa isang mahabang upuan. Ay! Nagkamali ako “Trip to Hospital” pala ang larong ito. Akala mo ngayon lang nakakita ng upuan eh. Paano na kaya to si Lola?

Ako lang kaya ang nakakaisip na dapat syang paupuin? Manhid ba ang mga katabi ko? Bakit hindi sila ang tumayo? Ang hirap kaya mag exam ng walang alam, nakakabutas ng pader. Alam ko na gagawin ko..
Magdadasal na lang ako na patawarin ako sa lahat ng kasalan ko dahil magtutulog tulugan ako.
hehehehe… Sorry Lola para paraan lang yan.
( itutuloy )