Linggo, Setyembre 18, 2011

Respeto.


Tratuhin mo lahat nang pagmamahal, kahit na yung mga taong masama sayo hindi dahil masama sila sayo, kundi mas mabait ka lang talaga sa kanila.
Walang magagawa ang pagkimkim ng galit sa kapwa, walang mangyayari kung palagi ka na lang makikipag away. Hindi ka pa ba nagsasawa? Araw-araw na ginawa ng diyos, pang aaway pa rin ang nasa isip mo, galit ka pa rin sa kapwa mo.

Kung sa tingin mo ikaw yung may mas isip, edi mahalin mo lang bilang kaibigan ang kaaway mo. Yung tipong huwag mo siyang sisiraan sa mga kaibigan mo, lalo na yung mga taong hindi naman talaga sila kilala, mas masama ka kapag nangyari yun. Kasi, umpisa palang nga hindi nila kilala, tapos ikwekwento mo sa kaibigan mo yung kaaway mo, lahat ng kasamaan, panlalait sinabi mo na, makaganti lang sa kaaway mo. Eh paano kung kayo lang yung my issue? Bakit idadamay pa ang kaibigan?

Sana ganito tayo ka mature lahat, madali lang naman gawin e, basta bukas lang ang iyong puso at isipan.

1 komento:

  1. Tama, rhads! Mas madalas kasi nating makita yung kamalian ng iba kaysa sa mabubuting nagagawa nila. At imbis na itama yung mga napupunan natin ay agad natin silang hinuhusgahan at hindi man lang sumubok na itama ang kanilang naging kamalian.

    TumugonBurahin