Linggo, Setyembre 18, 2011

Ang pagmamahal ay parang flash disk.

Isave mo ang lahat ng alaala mo sa taong mahal mo.

Ibig sabihin ito ang gawin mong alaala. Nang mga pagsasama niyo pati mga ginawa niyo sa isat-isa. Para lagi mong makikita o maalala.


Ang Flash Disk pwede mo dalin kahit saan.

Parang pag-ibig. Pwede mong dalin kahit saan. Proud ka pa nga at meron nito. Parang usb. Minsan sinasabit pa sa ID para masabing may USB ka. Parang pagmamahal din. Sinasabit mo sa puso mo yung taong mahal mo para makita nila.

Sa oras na nasaktan ka ng pagibig na ito. Tandaan mo ang Flash Disk ay.


Pwedeng magbura ng files na nasave na.

Parang sa pagmamahal. Pwede mong burahin yung mga panget na nakaraan sayo at itira yung magagandang nangyari sayo. Sayang naman kung buburahin mo lang rin. Pinaghirapan mo rin naman yung iba dun no.


Pero may oras na navivirus ang USB. Kailangan i reformat.

Kung ihahalintulad sa pagmamahal. Ang pag-mamahal kapag na virus ito. O sabihin nating nagkaroon ng lokohan dito. Yung tipong sa ganda ng relasyon niyo eh nagawa niya pang manloko. Sa tingin ko dapat nang ireformat ito. Puro lokohan lang pala ang nangyari sa inyo. Pina asa ka niyang iisa ka lang sa kanya. Marami pala kayong FILES sa puso niya. Ireformat mo na yan. At humanap ng bagong taong ilalagay sa Flash Disk mo :)

1 komento:

  1. MAY ORAS DIN NA BIGLANG NAWAWALA AT DI NA MARERECOVER ANG FILES, pag naka-on ang filter ng anti-virus software mo. Paano ko ito maiihahalintulad sa pag-ibig? naks naman. natuwa ako sa blogadag mo.

    TumugonBurahin