Linggo, Setyembre 18, 2011

Pera? Pambili ng pansamantalang kasiyahan.

Isa ka rin ba sa mga taong naniniwala na ang pera ay kasama sa buhay natin para sumaya?
Kunwari na lang nito ay ang cellphone, sa tingin mo ba magiging masaya ka kapag walang cellphone? Kung sakaling wala kang cellphone, malamang na hindi ganoon karami ang kaibigan mo ngayon. Ano ba ang gamit para makabili sa cellphone? hindi bat ang pera? Ibig sabihin nun napasaya ka gamit ng pera.

Isa pa ang bahay, nabili ba ng magulang mo ang isang bahay kung tumatawa lang sila? Kung puro ligaya at pagmamahalan lang ang ginawa nila? Siguro nagiging inspirasyon nang magulang mo ang isat-isa para kumita ng pera at maging masaya dahil sa nabibili nila ang gusto ng isat-isa at mga anak nila.

Sa pansarili mo na lang rin, wala kang internet ngayon kung wala kang pera, kung yung magulang mo eh sobrang gipit, sa tingin mo ba may computer ka ngayon kung hindi yan nabili gamit ang pera?

Ang tao ay sobrang praktikal na ngayon, maaring sumama sila sa mga taong masasabi nating may kaya. Mga taong masasabi nating may maipagmamalaki, dahil future na ang pinag uusapan natin dito. Magiging masaya ka talaga.

Ang masasabi nating hindi mabibili ng pera ay yung kasiyahan na dulot ng ibang tao, yung pagmamahal, pag aalaga, yung pag aalala, yung mga effort na ginagawa ng tao sa atin, ito yung mga bagay na hindi mabibili ng pera, mga bagay na mas masarap damhin kesa sa mga nabibili ng pera.

2 komento:

  1. Hi Rhadson! Ako ay isa sa iyong mga masugid na mambabasa sa tumblr. Ako ay talagang naaaliw sa iyong mga likha, dahil tulad mo ay mayroon din akong mapaglarong isipin. Pagiisip na ang hangarin ay magdulot ng munting aral. Sana ay magustuhan mo ang blogspot.
    **
    Ako ay hindi sang-ayon sa huling mga pangungusap. Tama ka na ang pera ay hindi kayang bumili ng mga bagay na masarap damhin ngunit ito ay kayang magdulot ng saya sa ibang tao, ito ay nagpapakita ng pagmamahal, pagaalaga at pagaalala.

    Ang pagmamahal ko sa aking pamilya ang dahilan kung bakit ako nagtratrabaho, nagnenegosyo at nagnanais na maging financially free. Gusto ko mamuhunan dahil alam kong may magagawa ako para makatulong sa ibang tao. Kung ako ay magkakaroonng mga negosyo, nais kong makatulong sa pamamagitann ng pagbibigay trabaho sa mga walang kakayanan magtrabaho. Para sa akin, ito ay nagpapakita ng pagmamahal, pag-aalala at pagaalaga sa kapwa tao.
    ***
    Tulad ng tumblr account mo. Igagawa ko ng l ink ang blogspot mo sa aking blog. Dahil naniniwala ako sa iyong kakayanan. :)

    TumugonBurahin
  2. Alam mo, tama ka eh. Pero minsan naiisip ko rin. Kailangan ko ng pera.
    Halimbawa na lang, cellphone. Kung wala akong cellphone hindi ko makakausap yung taong mahal ko sa malayo. Yung laptop at internet connection na binili o binabayaran para magamit, kailangan yun para makausap mo yung taong mahal mo na maaring isang way na lang para i-update yung taong yun, kung anong itsura mo ngayon. Kung anong mga pinag-gagagawa mo sa buhay mo. Mga ganun.

    Dati, wala akong pake kung may pera ako o wala. Pero ngayon, meron na. Yung kaligayahan na dulot ng pagkakaron ng pera, hindi lang siya basta ganun kababaw. Minsan tintignan ko na din kung ano yung mas malalim na dahilan kung bakit ako naging masaya.

    Minsan lang talaga, walang contentment ang tao. At mas madalas "shallow" sila.

    TumugonBurahin