Linggo, Setyembre 18, 2011

Mga tao sa paligid mo.

Kahit na tratuhin mo ang tao mo nang pagiging mabait at tapat, karamihan pa rin sa kanila ang magagalit dahil sa ibat-ibang rason, at hindi ka makakaangal.


Dahilan na gawin mo na lang lahat ng naiisip mong gawin, dahil nga kahit wala kang ginagawa o meron ka mang ginagawa, patuloy na magdududa ang tao, patuloy itong mamimintang, anong magagawa kung aangal ka? Eh nasabi na nila, napansin na nila ang mali sa ginagawa mo, may magagawa ka pa ba? Minsan dinadaan nila ito sa biro para magtanda ka, dahil kapag sineryoso ito baka ikagalit mo pa ito, ang tunay na kaibigan sinasaktan ang damdamin ng kaibigan sa malinis na paraan maitama lang ang landas nito.

Gusto lang tumulong ng mga kaibigan/tao sa paligid na nakakakilala sayo, kaya sila nagkakaganun. Napapansin nila ang mali na pwede namang itama habang maaga pa. Kung wala yung mga kaibigan na ganyan as buhay mo, ibang tao pa ang makakapansin dito, at yun ang panget don.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento