Linggo, Setyembre 18, 2011

Buhay sa loob ng Tren.

Dito na ata iikot ang buhay ko sa loob ng tren na ito, paano ba naman kasi araw-araw na lang ako sumasakay dito. Ang saya pala sumakay sa Tren. Ang daming ibat-ibang tao na pwedeng makita. Magkasintahan na nag-uusap, mga babae na nag chichikahan sa mga close friends nila, grupo ng lalake na nagtatawanan at taong mga forever alone. Tulad ng lalake na nag lalaro ng PSP, babae na naka MP3, at yung tao na tumutulo ang laway sa isang tabi. Napatingin ako sa isang matanda at sa tingin ko ay inaantok din siya. Pagkahikab niya kasi nalaglag ang pustiso niya.


Ayun! May bumaba na pasahero, pero mas marami ang pumasok. Pauwi nako kaya naman marami na rin ang pauwi galing sa date, group project, eskwelahan, trabaho at yung iba eh trip lang talaga sumakay ng tren. Akala siguro nila ito yung horror train na nakikita nila sa mga mall. Yung may mang gugulat na Gorilla o anu mang nakamaskara para takutin ang mga inosenteng bata. Pagkatapos nun eh maiisip mo na lang na sinayang mo lang ang pera mo.

Hala! May pumasok na matanda, nakaharap sakin Powtek! Pagod pa naman ako at pinaglaban ko talaga ang upuan na ito. Kaw ba naman makikpagsiksikan habang nag-aabang ng tren. Tapos ang lahat parang kasali sa larong “Trip to Jerusalem sa isang mahabang upuan. Ay! Nagkamali ako “Trip to Hospital” pala ang larong ito. Akala mo ngayon lang nakakita ng upuan eh. Paano na kaya to si Lola?

Ako lang kaya ang nakakaisip na dapat syang paupuin? Manhid ba ang mga katabi ko? Bakit hindi sila ang tumayo? Ang hirap kaya mag exam ng walang alam, nakakabutas ng pader. Alam ko na gagawin ko..
Magdadasal na lang ako na patawarin ako sa lahat ng kasalan ko dahil magtutulog tulugan ako.
hehehehe… Sorry Lola para paraan lang yan.
( itutuloy )

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento