Linggo, Disyembre 11, 2011

Dapat may Goal ka.

Dapat alam mo na sa edad mo ngayon ang Goal mo sa buhay. Lalo na kung Highschool ka pa lang? Dapat alam mo na ang kurso mo at ayan talaga ang gusto mo. Di tulad sa nararanasan ng ibang college students, di pala sila sigurado na gusto nila yung kurso nila kaya napapa shift sila. Minsan sobrang nahihirapan, natatapat sa mga prof na terror eh.
Ang hirap ng buhay ng walang Goal ah, may natanong kasi ako dati kung ano ang Goal niya eh wala siyang maisagot, marami daw eh. At nakakatamad daw isa-isahin.
Dapat talaga alam mo na yan, at sinasabi ko sa inyo ngayon palang. Tama pala ang lahat ng sinasabi ng Teacher sa atin nung highschool pa lamang tayo. Na ibang iba ang buhay ng College, na may sarili ka talagang buhay at hindi na uubra yung mangongopya ka. Profession mo na kasi ang pinag-uusapan dito eh.
Kaya Dear Highschool students, 
Kaya mo yan, maging independent ka habang 3rd year o 4th Year ka pa lang, para hindi ka mahirapan pagtuntong mo ng College mo. Ako kasi dati akala ko tinatakot lang ako ng Teacher namin noon kaya lumalagpas lang sa tenga yung paaral na yun. Yun pala tama sila, at ako ang mali. Kaya ayun! Kayanin mo ha? alamin mo ang goal mo sa buhay. Maganda yan, habang bata ka pa eh malaman mo na hindi biro talaga ang buhay College. Tandaan mo pagtapos ng College eh yun talaga ang tunay na buhay. Yun ang oportunidad! Doon tayo sasaya at magpapakayaman! 

Mga common na sinasabi ng mga Teacher sa Estudyante.

  • Sa lahat ng SECTION kayo lang ang maingay!
  • Wala pang pumapasa sa Exam ko.
  • Kung gago kayo, mas gago ako. At kung tatarantaduhin niyo ako? Mas tatarantaduhin ko kayo.
  • Sa lahat ng tinuturuan ko kayo lang ang magulo.
  • Paborito ko ang section niyo. 
Ewan ko, Elementary Days at Highschool Days. Nagtataka ako palagi na bakit lahat na lang ng teacher na pumapasok sa room namin eh ganito ang na eencounter ko. Dahil ba maingay talaga ang klase? Dahil ba yung section namin eh walanghiya talaga? O talagang tamang panakot lang ang ginagawa nila sa ating mga estudyante?
Sabi ko pa nga noon eh ang malas ko naman at lahat na lang ng napapasukan at na enrollan na section eh pinapagalitan at malupit pa dun eh KAMI lang lagi yung maingay, kami lang lagi yung pasaway. Pero minsan naman nakaka touch yung mga teacher noon na sasabihin na paborito daw ang section niyo. Pero kapag kinausap mo yung kabilang section eh paborito rin daw sila.
Siguro nga ibat-ibang estilo ng ating mga bayaning guro. Nakakatuwa na kahit papano eh nagkakaparepareho sila. Mas nakakatuwa pa ang mga jeproks na teacher kesa dun sa mga sobrang matatanda na, sobrang oldschool na kasi nila mag turo eh. No offense sa mga 60+ na teacher po na makakabasa nito ha? Kung meron man, aba sosyal ka po Mam/Sir. Talagang pa inter internet na lang tayo :)

Muling bubuhayin!

Napakatagal ko palang hindi na update tong blog ko na ito, at binabalak ko ulit i resurrect! Hanep ano? Parang necromancer lang sa Battle Realms o isang kontrabidang aswang sa isang Horror Story. Bakit kaya iba ang dating ng pagsusulat kapag andito? Ang laking iba kumpara sa ibang blogsite? Dahil dito talaga eh magsusulat ka lang at walang halong kasikatan na magaganap? Swerte mo nga rin pag nakilala ka dito, eh sa tindi ng mga blogger dito kumpara sa iba talagang trip lang eh mag pa cute.

Buti dito hindi uso ang pag papacute, hindi uso ang peace yo, jeje pose at marami pang iba. Nakakaburyo yung ganun, tska dito ramdam mo ang peaceful community, hindi ka pakekealamanan, pwede pa sila mag comment pagtapos mo magpost, hindi ka titingin kung may nag like ng post mo unlike tumblr and facebook.
Hanep talaga eh, imba lang. Pwede ka nga mag mura dito ng walang nagagalit, kunwari yung gago at tang-ina. O diba? Nabasa mo na, wala ka ng maiaangal pa.

Basta ang cool lang eh, astig lang. Basta, matindi paniniwala kong andito ang huling alas ko. Andito rin mga idolo ko eh, nawala na dun sa isang pinagsusulatan ko.

Linggo, Setyembre 18, 2011

STOP. LOOK. LISTEN

STOP.
Kung sa tingin mo ay wala na talaga. Walang gamit sa tanga kundi pagkukusa. Wala tayong magagawa kung ayaw nila. Wag pilitin. Hindi tayo ang nakalaan sa kanila.

LOOK. 
Magmasid nang iba pa. Wag ikubli ang sarili sa iisang tao habang hindi naman talaga naging kayo. Maaring masaktan mo lang ang iyong sarili. Mahirap masaktan. Mabigat sa damdamin.

LISTEN.
Makinig sa mga payo ng kaibigan mo. OO ikaw ang masusunod. Pero kailangan mo nang ibang payo para mas mapabuti ang pag dedesisyon mo. Alam mo naman siguro ang tama at mali. Ang seryoso sa hindi. Ang totoo sa kasinungalingan lang.

Mga tao sa paligid mo.

Kahit na tratuhin mo ang tao mo nang pagiging mabait at tapat, karamihan pa rin sa kanila ang magagalit dahil sa ibat-ibang rason, at hindi ka makakaangal.


Dahilan na gawin mo na lang lahat ng naiisip mong gawin, dahil nga kahit wala kang ginagawa o meron ka mang ginagawa, patuloy na magdududa ang tao, patuloy itong mamimintang, anong magagawa kung aangal ka? Eh nasabi na nila, napansin na nila ang mali sa ginagawa mo, may magagawa ka pa ba? Minsan dinadaan nila ito sa biro para magtanda ka, dahil kapag sineryoso ito baka ikagalit mo pa ito, ang tunay na kaibigan sinasaktan ang damdamin ng kaibigan sa malinis na paraan maitama lang ang landas nito.

Gusto lang tumulong ng mga kaibigan/tao sa paligid na nakakakilala sayo, kaya sila nagkakaganun. Napapansin nila ang mali na pwede namang itama habang maaga pa. Kung wala yung mga kaibigan na ganyan as buhay mo, ibang tao pa ang makakapansin dito, at yun ang panget don.

Respeto.


Tratuhin mo lahat nang pagmamahal, kahit na yung mga taong masama sayo hindi dahil masama sila sayo, kundi mas mabait ka lang talaga sa kanila.
Walang magagawa ang pagkimkim ng galit sa kapwa, walang mangyayari kung palagi ka na lang makikipag away. Hindi ka pa ba nagsasawa? Araw-araw na ginawa ng diyos, pang aaway pa rin ang nasa isip mo, galit ka pa rin sa kapwa mo.

Kung sa tingin mo ikaw yung may mas isip, edi mahalin mo lang bilang kaibigan ang kaaway mo. Yung tipong huwag mo siyang sisiraan sa mga kaibigan mo, lalo na yung mga taong hindi naman talaga sila kilala, mas masama ka kapag nangyari yun. Kasi, umpisa palang nga hindi nila kilala, tapos ikwekwento mo sa kaibigan mo yung kaaway mo, lahat ng kasamaan, panlalait sinabi mo na, makaganti lang sa kaaway mo. Eh paano kung kayo lang yung my issue? Bakit idadamay pa ang kaibigan?

Sana ganito tayo ka mature lahat, madali lang naman gawin e, basta bukas lang ang iyong puso at isipan.

Ang pagmamahal ay parang flash disk.

Isave mo ang lahat ng alaala mo sa taong mahal mo.

Ibig sabihin ito ang gawin mong alaala. Nang mga pagsasama niyo pati mga ginawa niyo sa isat-isa. Para lagi mong makikita o maalala.


Ang Flash Disk pwede mo dalin kahit saan.

Parang pag-ibig. Pwede mong dalin kahit saan. Proud ka pa nga at meron nito. Parang usb. Minsan sinasabit pa sa ID para masabing may USB ka. Parang pagmamahal din. Sinasabit mo sa puso mo yung taong mahal mo para makita nila.

Sa oras na nasaktan ka ng pagibig na ito. Tandaan mo ang Flash Disk ay.


Pwedeng magbura ng files na nasave na.

Parang sa pagmamahal. Pwede mong burahin yung mga panget na nakaraan sayo at itira yung magagandang nangyari sayo. Sayang naman kung buburahin mo lang rin. Pinaghirapan mo rin naman yung iba dun no.


Pero may oras na navivirus ang USB. Kailangan i reformat.

Kung ihahalintulad sa pagmamahal. Ang pag-mamahal kapag na virus ito. O sabihin nating nagkaroon ng lokohan dito. Yung tipong sa ganda ng relasyon niyo eh nagawa niya pang manloko. Sa tingin ko dapat nang ireformat ito. Puro lokohan lang pala ang nangyari sa inyo. Pina asa ka niyang iisa ka lang sa kanya. Marami pala kayong FILES sa puso niya. Ireformat mo na yan. At humanap ng bagong taong ilalagay sa Flash Disk mo :)