Lunes, Agosto 29, 2011

Pogi Tutorials 101



  • Just be yourself. Hindi lang yan nakikita sa panlabas kung maganda o pogi ka.
  • Huwag kang mag foundation, pang babae lang yun.
  • Huwag kang magpupulbos nang pawisan ka. magiging pastilyas ang mukha mo.
  • Mataas dapat ang self confidence mo. Pogi ka nga, dadaigin ka pa ng mga panget na makakapal ang mukha diyan. Tulad ng ginagawa ko ngayon. Huwag kang torpe, may maipagmamalaki ka.
  • Marunong ka dapat magdala ng damit. Maraming pogi/maganda diyan, jejemon lang mag suot, sayang ang itsura nila, baduy naman ang porma.
  • Maging simple ka lang.
  • Dapat mabango ka lagi, kahit na nakapambahay ka lang dapat nag papabango ka, kapag aalis ka banguhan mo ang sarili mo, mabilis ma attract ang babae kapag mabango ang amoy mo.
  • Minsan INBORN na lang talaga.
  • Kung sobrang pogi ka naman eh mag ingat ka, baka matulad ka kay Piolo Pascual, kay Sam Milby at sa ibat-ibang gwapong artista diyan. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin.
Ngayon alam mo na ang ilang tips para maging Pogi.

Linggo, Hulyo 10, 2011

Tips kapag pinili kang maging leader ng isang grupo.


Umasta kang matapang.
Kailangan masindak mo agad sila sa personalidad mo. Kapag pinakita mong mahina ka at hindi mo kayang i handle ang ka grupo mo sayo na sila aasa, ikaw na ang gagawa lahat ng mga gagawin ng grupo niyo.
Sabihin mo ang salitang ” Ako ang pinili niyong leader, ibig sabihin nito binigyan niyo ako ng karapatan disiplinahin kayo”.
Bilang isang leader lagi sa lahat ng subjects, ito lagi ang sinasabi ko sa kanila. Subukan mo ring sabihin sa kanila, baka masindak mo. Hindi uubra sa akin ang ka grupong tamad. Para sa akin ” GRADE MO? PAGHIRAPAN MO. Mag tutulong tulong tayo.
Update mo lagi ang grupo sa gagawin nila, kung kailangan silang i pressure gawin mo.
Mas maganda kung walang patay na oras na mangyayari sa grupo niyo. Mas maagang natapos, sa huli wala kang problema. Magbigay ka ng deadline sa lahat ng gagawin. Mag matapang ka. Mag maangas ka, kapag hindi mo sila sinanay na ganyan mag pepetiks yang mga yan. Tandaan mong may mga professors/teachers na group kayo minamarkahan at hindi individual. Kaya bawat ginagawa ng ka grupo mo ay mahalaga sa inyo.
Bumuo ng bonding sa grupo.
Kapag nag memeeting kayo, ikaw ang leader kaya ikaw ang mag approach sa kanilang lahat, makipagtawanan at makipagkulitan. Tandaan mong friendly naman lahat yan. Huwag mong kakalimutang ngumiti.

Lunes, Hulyo 4, 2011

Ano ba ang teenage love para sa taong mataba ang utak? Highschool edition.

Ano ba ang teenage love para saken?

Nagpupuyat ka ka chat siya tapos  may lakas ka pa para pumasok ng maaga kinabukasan. Isa ka rin sa mga taong dumadaan sa room ng crush mo para sumilay pero narinig mo ang bell at nagmamadali kang pumasok para hindi ka malate. Pag punta sa mall kasama ang crush mo at tahimik ka nung hinawakan ang kamay mo.. Isa pa ang panunood sa loob ng sinehan na onti onti ka niyang inaakbayan at ikaw naman tong si sandal sa balikat niya. 

Maglakad sa gabi kasama siya ng walang dahilan. Balikat niya. At ulo mo ay magkatabi, mag kasamang pinapanuod ang mga bituin sa langit.
Bottomline. Ito ang mga bagay na hindi mo alam kung mag tatagal.

Ang risk na pareho niyong tatanggapin. Kahit na sa huli eh parehas kayong masasaktan, Na kahit puso niyong dalawa ang nakataya. 
It is note yet true love, not like, not lust or infatuation. It is teenage love here to stay, here to play with our hearts and never go away.

Huwebes, Hunyo 30, 2011

Ang istorya ng batang si Rhadson Lopez Mendoza


Dati nahihirapan ako matulog dahil banig lang ang hinihigaan namin, titingin ako sa dingding at nasunog na karton dahil sa gaserang ilaw namin noon sa tahanan namin. Simple lang akong tao, na may simpleng buhay dati. Masaya na ako kapag nakakakain ako ng Mikmik o kaya ng LALA Chocolate sa tindahan.

Simpleng Rhadson, ang tanging gusto lang eh makapagaral at mabilhan ng bagong bag at sapatos dati. Aalalahanin ko na lang lahat, pero ayaw ko ng balikan, ang hirap rin tumira sa isang maliit na bahay, malamok.. kailangan ko pang mag kulambo. Gamit ang unan para pang sara ng kulambo para hindi na kami mapasok ng lamok.

Masaya ako kapag nakakapagulam kami ng adobo dati, isasabaw ang toyo sa kanin, ayos na kami. Ang hirap nung pakiramdam dati na naiinggit ako sa mga bata na may bike dahil hindi pa ko mabilhan ng Papa ko nun, pero ngayon may Motor na ako nagagamit ko kung san ko man gusto pumunta, dati nanghihiram ako ng PS1, minsan nakikinuod lang, ayaw pa kong papasukin ng mga pinsan ko sa bahay nila at naranasan ko na rin pagsaraduhan ng pinto. Ngayon may PS3 na ako sa sarili kong kwarto. 

Katabi ko lagi ang magulang ko matulog, naranasan ko silang masolo ng 5 taon, at ayan binigyan nila ako ng isang napakasayang regalo at yun ang kapatid ko. Inalagaan ko siya at minahal hanggang ngayon, masaya ako at malapit siya sa akin. Hindi kasi lahat ng kapatid malapit sa kapatid nila, minsan naguguluhan nga ako bakit may mga taong hindi sweet sa kapatid eh nasa iisang bubong lang naman sila, minsan magtataka ka mas close pa nila yung mga kaibigan niya eh nasa malayong lugar sila at hindi naman niya talaga kilala ng husto yung mga kaibigan niya.
Basta masaya ako dati, lalo na ngayon. Hindi na ako manghihiram ng PS1, hindi na ako aapihin dahil may pambili na kami. Lahat ng sugat ng kahapon eh dala ko pa rin hanggang ngayon, kahit na ok na ang pakiramdam ko eh hindi ko makakalimutan ang ibang pagmamaltrato nung ibang tao sa akin noong bata pa ako.

Isa rin ako sa batang api ng mga mas nakakatanda sa akin, masyado nilang sinamantala ang kahinaan ko. Ngayon ko lang naiisip ang mga bagay na ito, dahil may isip na ako.
Sinabi ko sa sarili ko noong bata ako na hindi ako magiging tulad nila, magiging magandang halimbawa ako sa bawat isang tao na makikilala ko, gusto ko maging inspirasyon sa iba, ayaw ko mamuhay ng simple lang, gusto ko maraming taong makakakilala sakin, kahit papano naramdaman ko dito sa Tumblr yun, naranasan kong mahalin ng maraming tao. Dito ko rin nahanap yung taong mahal ko, mga taong nagmahal sakin at dito ko nahanap ang bagong grupo ng barkada ko.

Gusto kong pasalamatan ang magulang ko, pinangarap nila sa aming magkapatid na gagawin nila ang makakaya nila mairaos lang kami sa kahirapan. At ito kami ngayon, masasabi kong malaki na ang pinagkaiba ng bahay naming kahoy at karton dati sa bahay namin na may rooftop na ngayon.
Natutuwa ako at hindi ako yumabang, hindi ako naging mapanlamang sa kapwa, dala ang disiplina ng magulang ko at yung mga sinabi ko sa sarili ko nung kabataan pa ako.
Lahat halos ng nasasabi ko dito sa Blog na ito ay karanasan ko. Masasabi ko sa edad kong ito naranasan ko na ang buhay at itsura ng kahirapan, dahil dati lang kaming nasa squatters area.
Kaya lagi ako nagpapapunta ng tao sa bahay ngayon dahil masaya ako na malaki na ito, may rooftop na matatambayan. Hindi tulad dati, aminado ako sa sarili kong kinahihiya ko ang bahay namin. Wala silang makikita kundi ang maliit naming bahay, ang bahay ata namin dati eh kwarto ko lang ngayon. 

Natutuwa lang ako na naranasan ko ang buhay ngayon sa murang edad ko, na kasama ang magulang at kapatid ko, isa lang naman lagi ang sabi sa akin ng Papa ko at Mama ko. “Mahalin mo lang ang kapatid mo”. Isang pangako na palagi kong gagawin kahit hindi nila isipin. Hiningi ko kay God dati na bigyan niya ako ng magandang kapatid na babae at hindi naman siya nagkamali at maganda naman talaga, napagiisipan pa nga nila kaming mag syota ng kapatid ko, ang sakit lang eh noh? Haha!
Marami pang istorya, masyadong mahaba, baka tamarin ka na basahin kaya inisip ko munang putulin dito, bigla bigla na lang pumasok ko na ishare ang buhay namin dati, maari siguro itong maging inspirasyon sa karamihan.
Salamat sa mga taong nagmamahal sakin.

Miyerkules, Hunyo 29, 2011

Ang effort ay para lang sa mga taong marunong maka appreciate nito.


Bakit ka mag bibigay ng effort na hindi naman niya na appreciate?
Ano yun taken for granted? Hindi sa sinasabi kong isumbat lahat ng bagay na ginagawa. Pero wag naman sana maging tanga. Hindi niya gagawin sayo yun kung hindi ka mahalaga.
Hindi bat oras na nga niya ang ibinigay niya? Hindi mo alam kung ano ang likod sa dahilan nang pag sama sayo. Hindi mo ba alam na may mga taong gusto rin siya makasama pero ikaw ang pinili niya kasi mahalaga ang araw na iyon dahil ikaw ang kasama niya?
Marami satin ang nagiging manhid.
Hindi ako naniniwala sa quote na ” Walang taong manhid, hindi mo lang sinasabi ang sakto mong nararamdaman “.
May mga bagay na obvious na.

Kinakain tayo ng sarili nating kapansanan. Mga nagiging bulag sa damdamin. Bingi sa mga bagay na sinisigaw nang puso. Nagiging pilay tayo dahil hindi tayo marunong mag tiwalang may handang sumaklay sayo at umalalay.
Bakit? Bakit? Anong problema? Wag lahatin ang kalalakihan. Dahil hindi lahat ng lalake ay pareho ang magulang. Iba ang mga pinag aralan. Iba ang mga kinalakihan.

Bakit lagi na lang masama ang imahe ng mga lalake sa babae pag dating sa break ups? Hindi bat minahal mo rin at may ginawang mabuti sayo? 
Ang nagiging irony kasi
” Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao “

Mahalin mo yung taong puro gawa, hindi yung taong puro pangako.

Mahirap kasi mangako sa edad na kung ano man meron ka ngayon, mahirap mangakong  siya lang talaga ang mamahalin mo, mahirap mangako na hindi mo siya iiwan, at lalong mahirap sabihin na siya ang buhay mo. 

Bakit hindi mo na lang gawin ang nararapat? Gawin mo ang mga bagay na gusto niya, pero huwag kang mangangako, may mga taong masyadong dinidibdib ang salitang pangako, dahil dito nagkakaroon sila ng assurance sa relasyon niyo bilang magkasintahan/magkaibigan. 

Huwag kang magtaka kung may mga taong hindi sanay mangako, hindi kasi sila tulad ng iba na sobrang makata, yung tipong ipinapangako pa sayong lilipad kayo, ipinapangako pa sayong kukunin ang buwan makuha lang ang kutitap ng ngiti sa iyong pisngi at labi. Mahirap rin yung ganun, mahalin mo yung taong ang e effort sayo gawin ang mga bagay na alam mo namang ikakakilig mo. 

Mahalin mo ang taong hindi puro salita, tandaan mong ang mga mabubulaklak na salita ay nalalanta rin kapag hindi nadiligan ng kaakibat na pagmamahal.

Martes, Hunyo 28, 2011

Tips para maisagawa ang pagdidiet.

Kailangan sigurado ka sa sarili mong mag didiet ka talaga, hindi yung ningas kugon lang. Tandaan mong hindi solusyon ang fasting, DIE-t ang gagawin mo sa sarili mo niyan. Maaga kang mamamatay, at kung sakaling papayat ka man, hindi healthy ang gagawin mo sa sarili mo.

Kung ako ay magpapayo sa sarili ko lamang na experience, maniwala ka sa hindi dapat kumain ka ng limang beses sa isang araw. Oo tama ka ng basa limang beses sa isang araw.
Paano ba ito masasagawa?
  • Dapat sapat lagi ang tulog mo para umabot ka sa 8am Meal. Eat like a boss, kumain ka ng madami, walang mangyayari kahit marami kang kainin sa umaga. Ito ang kailangan ng katawan mo, samantalahin mo ang oras na ito.
  • Kumain ka every 3 hours or 2 hours, para hindi ka magutom palagi, pero light meals na lang, maaring isang tinapay kada 2 oras, o kaya naman eh gulay.
  • Bakit every 3 hours to 2 hours? Ito eh para hindi ka lagi magutom, ang mali sa iba eh nag fafasting sila para feel nila pumapayat sila ito ang hindi nila alam….
  • Kapag nag fafasting ka at naisipan mong kumain, mapapadami ka ng kain dahil nga sa nag simula ka nang mag starve. Tandaan mo na babagal ang metabolism mo kapag nagugutom ka.
  • Dapat mahilig ka sa tubig, dahil minsan hindi mo alam uhaw ka lang pala, akala mo busog ka, ito eh para mag send ng maayos ang tiyan ng signal sa utak mo para alam mo kung uhaw ka lang o gutom.
  • Kesa mag juice ka, or softdrinks, mag tubig ka na lang, walang calories ang tubig, isipin mo kung iinom ka ng softdrinks 110 calories ito, tandaan mo na 2500 ang kailangan na calories nang isang tao, at kung nag didiet ka naman 1500 calories lang ang kailangan mong magastos sa isang araw.
  • Iwasan mo ang matatamis, ito ang unang kalaban mo.
  • Subukan mong mag exercise o naman tumakbo kasama ang mga kaibigan, sa mga parks, sa mga fun run, sa sports center at kahit saan na pwede kang tumakbo.
  • Huwag kang mag set ng araw kung kailan ka mag diet, kakatamaran mo lang ito.
  • Disiplina na malupit ang pinakahuling maipapayo ko sayo, kung wala ka nito walang mangyayari sa gusto mong mangyari, tataba ka ng tataba sa gagawin mo.
Mas naniniwala akong mas mahirap mag papayat kesa magpataba, madali lang tumaba, kumain ka lang ng kumain. 
Ang magpapayat mag eexercise ka, iiwas ka sa madaming pagkain, kailangan mo pa ng disiplina sa sarili.
Sana ay nakatulong ang ilan kong health tips sa inyo, kung gusto niyo eh ikalat niyo ito para magkaroon ng idea ang ilang mambabasa dito. Kaya ko alam ito eh ito yung ibang nalaman ko na sinabi sa akin nung trainer ko sa gym ko. Dinagdagan ko nalang ito base sa natutunan at naranasan ko.