Linggo, Hulyo 10, 2011

Tips kapag pinili kang maging leader ng isang grupo.


Umasta kang matapang.
Kailangan masindak mo agad sila sa personalidad mo. Kapag pinakita mong mahina ka at hindi mo kayang i handle ang ka grupo mo sayo na sila aasa, ikaw na ang gagawa lahat ng mga gagawin ng grupo niyo.
Sabihin mo ang salitang ” Ako ang pinili niyong leader, ibig sabihin nito binigyan niyo ako ng karapatan disiplinahin kayo”.
Bilang isang leader lagi sa lahat ng subjects, ito lagi ang sinasabi ko sa kanila. Subukan mo ring sabihin sa kanila, baka masindak mo. Hindi uubra sa akin ang ka grupong tamad. Para sa akin ” GRADE MO? PAGHIRAPAN MO. Mag tutulong tulong tayo.
Update mo lagi ang grupo sa gagawin nila, kung kailangan silang i pressure gawin mo.
Mas maganda kung walang patay na oras na mangyayari sa grupo niyo. Mas maagang natapos, sa huli wala kang problema. Magbigay ka ng deadline sa lahat ng gagawin. Mag matapang ka. Mag maangas ka, kapag hindi mo sila sinanay na ganyan mag pepetiks yang mga yan. Tandaan mong may mga professors/teachers na group kayo minamarkahan at hindi individual. Kaya bawat ginagawa ng ka grupo mo ay mahalaga sa inyo.
Bumuo ng bonding sa grupo.
Kapag nag memeeting kayo, ikaw ang leader kaya ikaw ang mag approach sa kanilang lahat, makipagtawanan at makipagkulitan. Tandaan mong friendly naman lahat yan. Huwag mong kakalimutang ngumiti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento