Lunes, Mayo 7, 2012

Classic Cellphone Games.



Nakakatuwa na dati sa larong Space Impact, Snake, Bantumi, React, Memory sa cellphone na 3310, 3210, 3315 at kung ano pang cellphone na may ganyang laro eh sobrang na eenjoy na natin. Yung pataasan pa kayo ng score dati sa Snake tapos naka level 9 yung level para mabilis. Nasasayo kung sanay ka sa pagpindot ng 1 tska 9 o kaya naman 3 at 7. Yung iba naman 2,4,6,8 kaso mas mahirap ito.

Sino may sabi na ang upgrade eh sa apple at android products lang? Alam mo ba dati na pwedeng i upgrade ang 3210 at 3310 o kaya naman 3315? Yung mga babaguhin yung highscore ng snake mo. Yung nag blink blink yung messages mo, yung menu mo iba na nakalagay etc.

Di tulad ngayon, nakakalito mga applications. Naglabasan ang mga nanahimik na bulaklak na pumapatay ng Zombie pati ang mga nagliliparang galit na ibon. Ngayon hahanap ka ng cellphone na luma para malaro lang yung mga classic games na nilalaro mo dati. Malamang hindi na masyado inabutan to ng mga bagong henerasyon ngayon. Sosyal eh, mga 10 years old palang naka iphone na. Pa touch touch na lang. May mga larong Snake na, kaso 3D na. May larong parang space impact, kaso real time jet na. May larong bantumi. Colored na. 

Panis ano? Dati solve na tayo sa tuldok tuldok na itim na graphics na umaasang mapaganda ng backlight ng ating mga cellphone.

Bakit may biglang taong nanlalamig?



Hindi dahil umuulan, hindi dahil may aircon, hindi dahil malamig ang panahon. Kundi bakit biglang nanlalamig ang pakikitungo ng isang tao sayo?
Yun bang ang sweet niya, tapos biglang BOOM! Biglang nawala, biglang nanlamig, naging bangkay ang nararamdaman. Pagkatapos nga naman magsabi ng maanghang, maiinit na salita na muntik ka ng maniwala o maaring naniwala ka na eh bigla ka na nga lang aasa sa wala.
May ganun kasing mga tao, Ningas Kugon. Yun bang napakaraming sasabihin sayo, tapos sa raming sinabi sayo eh wala man lang siyang napatunayan, kumbaga yung mabubulaklak na salita niya eh nalanta na. Ewan, depende yan eh.
Maaring masaya lang siya nung araw na yun at nagkataon na ikaw ang naging dahilan. Kaya maaring nakapagsabi siya ng magagandang bagay sayo na sobrang sineryoso mo, nag-iwan ng mga punto na akala mo gagawa siya ng aksyon para angkinin ang puso mo.
Maari din namang ganun lang talaga siya? Maaring isa ka rin sa mga taong napangakuan niya? O kaya yung araw na yun eh wala siyang kasama kaya ikaw ang naisip niya? Tapos may nakilala siyang iba, eh dun naman siya nagbububuntot at ikaw naman eh nagmumukmok na parang naluging intsik sa sulok.
Maari din namang hindi umubra yung spark? Bigla niyang naramdaman na “Ay hindi pala, mali pala ako” pero takot na niyang sabihin sayo dahil sa takot na masaktan ka niya?
Maraming dahilan eh, hindi naman natin alam dahil wala tayo sa lugar nila. May mga tao lang talagang ganyan eh. Mahilig sa mga salita, pero walang mapanindigan.

Biyernes, Enero 27, 2012

Tadhana? Close kayo?

Sobrang swerte mo kapag mahal ka din ng gusto mo, para kang pumila sa express lane. Walang hirap, walang hassle. V.I.P Treatment. Close kayo ng tadhana kapag ganun, hindi mo nararanasan ang hirap na dinadanas ng ibang tao. Minsan tatanungin mo sa sarili mo paano nga ba nangyari yun? Ano ang diskarteng ginawa at parang magic na lang ang nangyari sa lahat, hanggang ngayon nag-iisip ka paano nag umpisa ang inyong pagmamahalan.

Kaya swerte ka, mahal ka ng mahal mo. Alagaan mo dapat yan, Parang lumalabas na sa apat sa sampung nagmamahal ang swerte rin sa taong mahal nila dahil gusto rin sila. Alagaan mo yan, bihira yan. Huwag mo ng pakawalan yan. Huwag kang magsasawa, gumawa ka ng paraan para excited ka lagi sa kanya.
Buti ka pa, ka close mo ang tadhana.

Samantalang yung ibang handa din magmahal ng tapat, hindi pa rin bigyan ng pagkakataon. Hindi nga kaya yung mga taong naghahabol ang para sayo? Kaya hindi mo makuha yung gusto mo? Paano nga kaya no? Yung taong hinahanap mo pala yung humahabol sayo, ayaw mo lang, kasi may paniniwala kang hindi ayun.
Paano nga kaya kung lumagpas na yun? May bagong cycle kaya ulit na mangyayari sa buhay mo? May bagong taong maghahabol ulit? Tapos mapapakawawalan mo ulit? Paano kung tamarin na mag generate ang tadhana ng taong para sayo kasi hindi mo pinapansin?

Tatanda ka kayang binata/dalaga? O mapapansin mo din sa huli dahil sa mga senyales na madalas mong hingin sa kanya? Walang makakasagot. May kanya kanya tayong love story.

Linggo, Enero 1, 2012

Araw ng mga Puso.

Para sakin hindi lang naman sa mga taong may relasyon ang valentines day eh. Para sakin ang valentines day ay para sa lahat. Sa mga taong mahal ang sarili. Sa mga taong in love. Hindi porket walang relasyon wala nang ka date ngayong valentines. 

Tandaan natin na lahat tayo ay may puso. At wag nating kakalimutan ang saging ok? Ano nga ba ang natural na ginagawa tuwing valentines day?
Para sakin ito ang mga ginagawa.
  • Magbibigay ng rosas ang lalake sa babae. Yung ibang lalake pag labas ng school meron mga ale na nag titinda nito. Sa halagang 50 Pesos. Mapapakilig  na nila girlfriend nila.
  • Yung iba namang kabataan sosyal. Umuutang sa magulang mabilan lang nang Bouquet ng bulaklak ang kanilang mga kasintahan.
  •  Sa mga estudyanteng magkasintahan, sabay silang uuwi. Iintayin ni lalake o ni babae ang kanyang gf/bf. Para sabay silang kakain. Gagala sa mall. Mag susuot ng mga couple shirts.
  • Magbibigay ng chocolates,greeting cards, at kung ano pang mga anek anek diyan. Basta material na bagay. May teddy bear pa. Hindi na magtataka ang babae kung san ito binili ng lalake. Malamang blue magic na naman.
  • Yung iba naman papasok sa sinehan, manunuod ng love story para lalo silang ma inlab.
  • Yung iba pupuntang tagaytay. Para sa mga high end na magkarelasyon. Pag marunong mag drive si babae/lalake. Aba roadtrip at kakaibang adventure yun!
  • yung iba. Alam na! :> sasabak sa gera. Di pa naman bagong taon eh nag puputukan na sa loob ng hotel. Sasalubong ba sila sa chinese new year? Sabagay. Pula naman ang loob ng kuwarto.. Maraming pag pipilian. May SOGO,EUROTEL,SOFITEL, kung mayaman ka SHANGRILA HOTEL, O kaya sa kahit anong 5 star hotel kung gusto mong maging memorabol ito.
Marami pang mga bagay para maipakita ang pag mamahalan sa isat isa. Sa mga taong single? Wala lang. Mag lagi sa bahay. Wag mag bitter. Wag hanapin. Malay mo sa araw na umalis ka pa eh yun na pala yung tatamaan ka na nang arrow ni kupido. Sayang naman diba?
Masarap magmahal. Para kang kinukuryente sa kilig.
Ang pag ibig ay nakakabaliw na nararamdaman ng isang tao. Walang gamot dito. Kundi mas magmahal pa lalo.
Kaya ayun! Advance Happy Valentines sa lahat.

Linggo, Disyembre 11, 2011

Dapat may Goal ka.

Dapat alam mo na sa edad mo ngayon ang Goal mo sa buhay. Lalo na kung Highschool ka pa lang? Dapat alam mo na ang kurso mo at ayan talaga ang gusto mo. Di tulad sa nararanasan ng ibang college students, di pala sila sigurado na gusto nila yung kurso nila kaya napapa shift sila. Minsan sobrang nahihirapan, natatapat sa mga prof na terror eh.
Ang hirap ng buhay ng walang Goal ah, may natanong kasi ako dati kung ano ang Goal niya eh wala siyang maisagot, marami daw eh. At nakakatamad daw isa-isahin.
Dapat talaga alam mo na yan, at sinasabi ko sa inyo ngayon palang. Tama pala ang lahat ng sinasabi ng Teacher sa atin nung highschool pa lamang tayo. Na ibang iba ang buhay ng College, na may sarili ka talagang buhay at hindi na uubra yung mangongopya ka. Profession mo na kasi ang pinag-uusapan dito eh.
Kaya Dear Highschool students, 
Kaya mo yan, maging independent ka habang 3rd year o 4th Year ka pa lang, para hindi ka mahirapan pagtuntong mo ng College mo. Ako kasi dati akala ko tinatakot lang ako ng Teacher namin noon kaya lumalagpas lang sa tenga yung paaral na yun. Yun pala tama sila, at ako ang mali. Kaya ayun! Kayanin mo ha? alamin mo ang goal mo sa buhay. Maganda yan, habang bata ka pa eh malaman mo na hindi biro talaga ang buhay College. Tandaan mo pagtapos ng College eh yun talaga ang tunay na buhay. Yun ang oportunidad! Doon tayo sasaya at magpapakayaman! 

Mga common na sinasabi ng mga Teacher sa Estudyante.

  • Sa lahat ng SECTION kayo lang ang maingay!
  • Wala pang pumapasa sa Exam ko.
  • Kung gago kayo, mas gago ako. At kung tatarantaduhin niyo ako? Mas tatarantaduhin ko kayo.
  • Sa lahat ng tinuturuan ko kayo lang ang magulo.
  • Paborito ko ang section niyo. 
Ewan ko, Elementary Days at Highschool Days. Nagtataka ako palagi na bakit lahat na lang ng teacher na pumapasok sa room namin eh ganito ang na eencounter ko. Dahil ba maingay talaga ang klase? Dahil ba yung section namin eh walanghiya talaga? O talagang tamang panakot lang ang ginagawa nila sa ating mga estudyante?
Sabi ko pa nga noon eh ang malas ko naman at lahat na lang ng napapasukan at na enrollan na section eh pinapagalitan at malupit pa dun eh KAMI lang lagi yung maingay, kami lang lagi yung pasaway. Pero minsan naman nakaka touch yung mga teacher noon na sasabihin na paborito daw ang section niyo. Pero kapag kinausap mo yung kabilang section eh paborito rin daw sila.
Siguro nga ibat-ibang estilo ng ating mga bayaning guro. Nakakatuwa na kahit papano eh nagkakaparepareho sila. Mas nakakatuwa pa ang mga jeproks na teacher kesa dun sa mga sobrang matatanda na, sobrang oldschool na kasi nila mag turo eh. No offense sa mga 60+ na teacher po na makakabasa nito ha? Kung meron man, aba sosyal ka po Mam/Sir. Talagang pa inter internet na lang tayo :)

Muling bubuhayin!

Napakatagal ko palang hindi na update tong blog ko na ito, at binabalak ko ulit i resurrect! Hanep ano? Parang necromancer lang sa Battle Realms o isang kontrabidang aswang sa isang Horror Story. Bakit kaya iba ang dating ng pagsusulat kapag andito? Ang laking iba kumpara sa ibang blogsite? Dahil dito talaga eh magsusulat ka lang at walang halong kasikatan na magaganap? Swerte mo nga rin pag nakilala ka dito, eh sa tindi ng mga blogger dito kumpara sa iba talagang trip lang eh mag pa cute.

Buti dito hindi uso ang pag papacute, hindi uso ang peace yo, jeje pose at marami pang iba. Nakakaburyo yung ganun, tska dito ramdam mo ang peaceful community, hindi ka pakekealamanan, pwede pa sila mag comment pagtapos mo magpost, hindi ka titingin kung may nag like ng post mo unlike tumblr and facebook.
Hanep talaga eh, imba lang. Pwede ka nga mag mura dito ng walang nagagalit, kunwari yung gago at tang-ina. O diba? Nabasa mo na, wala ka ng maiaangal pa.

Basta ang cool lang eh, astig lang. Basta, matindi paniniwala kong andito ang huling alas ko. Andito rin mga idolo ko eh, nawala na dun sa isang pinagsusulatan ko.