Lunes, Mayo 7, 2012

Mahirap magtago ng sikreto lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa mundo.



Ilang beses ko nang naramdaman to. Pero ano ba yung sikretong yun? Yung sikretong gusto mo siyang alagaan. Gusto mong mahalin. Pano pa magiging sikreto? Kung sinabi ko na dito?

Tayo ay magbalik at ating talakayin ang problema ng bawat isa sa atin.

Minsan kasi ang nangyayari satin takot tayo masira ang friendship ng bawat isa.
Kasi nakakatakot baka mag kailangan kayo diba?

Di tulad ng pagkaibigan mo lang.Eh malalambing mo at hindi ka pa mag seselos kahit sino pa kasama niya.
Eh what if commited na kayo?

Yung dating hindi mo nakakaaway at nakakatampuhan eh nagiging dahilan ng hindi mo pagkain sa umaga,tanghali at gabi?

Yung dating kabiruan mo eh isa na sa mga taong seryoso sayo.

Magrereklamo kang nasaskal ka eh kasi pumasok ka sa relasyon.

Kelangan nang dalawang taong malawak ang utak (o kaya mataba ang utak) haha
para magkaintindihan. 

Kung magiging paranoid tayo walang mangyayari satin. Puro away lang. 

Dapat magaling ka mag desisyon. Kung kailan siya papayagan at kung kailan naman hindi. 
Masarap magmahal. May hihilingin ka pa ba pag nagmahal ka? Oo naman syempre. Meron pa. Madami tayong hinihiling. Di naman tayo mauubusan nun.

Pagumabot ka pa sa linyang ito. Maraming salamat kaibigan dahil tunay na binabasa mo ito. Gusto ko lang mag express ng nararamdaman. Dahil minsan mabigat na. sobrang bigat na.

Ma, wag na nating ipilit. - Basha

Classic Cellphone Games.



Nakakatuwa na dati sa larong Space Impact, Snake, Bantumi, React, Memory sa cellphone na 3310, 3210, 3315 at kung ano pang cellphone na may ganyang laro eh sobrang na eenjoy na natin. Yung pataasan pa kayo ng score dati sa Snake tapos naka level 9 yung level para mabilis. Nasasayo kung sanay ka sa pagpindot ng 1 tska 9 o kaya naman 3 at 7. Yung iba naman 2,4,6,8 kaso mas mahirap ito.

Sino may sabi na ang upgrade eh sa apple at android products lang? Alam mo ba dati na pwedeng i upgrade ang 3210 at 3310 o kaya naman 3315? Yung mga babaguhin yung highscore ng snake mo. Yung nag blink blink yung messages mo, yung menu mo iba na nakalagay etc.

Di tulad ngayon, nakakalito mga applications. Naglabasan ang mga nanahimik na bulaklak na pumapatay ng Zombie pati ang mga nagliliparang galit na ibon. Ngayon hahanap ka ng cellphone na luma para malaro lang yung mga classic games na nilalaro mo dati. Malamang hindi na masyado inabutan to ng mga bagong henerasyon ngayon. Sosyal eh, mga 10 years old palang naka iphone na. Pa touch touch na lang. May mga larong Snake na, kaso 3D na. May larong parang space impact, kaso real time jet na. May larong bantumi. Colored na. 

Panis ano? Dati solve na tayo sa tuldok tuldok na itim na graphics na umaasang mapaganda ng backlight ng ating mga cellphone.

Bakit may biglang taong nanlalamig?



Hindi dahil umuulan, hindi dahil may aircon, hindi dahil malamig ang panahon. Kundi bakit biglang nanlalamig ang pakikitungo ng isang tao sayo?
Yun bang ang sweet niya, tapos biglang BOOM! Biglang nawala, biglang nanlamig, naging bangkay ang nararamdaman. Pagkatapos nga naman magsabi ng maanghang, maiinit na salita na muntik ka ng maniwala o maaring naniwala ka na eh bigla ka na nga lang aasa sa wala.
May ganun kasing mga tao, Ningas Kugon. Yun bang napakaraming sasabihin sayo, tapos sa raming sinabi sayo eh wala man lang siyang napatunayan, kumbaga yung mabubulaklak na salita niya eh nalanta na. Ewan, depende yan eh.
Maaring masaya lang siya nung araw na yun at nagkataon na ikaw ang naging dahilan. Kaya maaring nakapagsabi siya ng magagandang bagay sayo na sobrang sineryoso mo, nag-iwan ng mga punto na akala mo gagawa siya ng aksyon para angkinin ang puso mo.
Maari din namang ganun lang talaga siya? Maaring isa ka rin sa mga taong napangakuan niya? O kaya yung araw na yun eh wala siyang kasama kaya ikaw ang naisip niya? Tapos may nakilala siyang iba, eh dun naman siya nagbububuntot at ikaw naman eh nagmumukmok na parang naluging intsik sa sulok.
Maari din namang hindi umubra yung spark? Bigla niyang naramdaman na “Ay hindi pala, mali pala ako” pero takot na niyang sabihin sayo dahil sa takot na masaktan ka niya?
Maraming dahilan eh, hindi naman natin alam dahil wala tayo sa lugar nila. May mga tao lang talagang ganyan eh. Mahilig sa mga salita, pero walang mapanindigan.