Naalala ko pa ‘yong dating tumingin ako sa salamin tapos naawa ako sa sarili ko dahil iniwan ako dati.
Sabi ko pa sa sarili ko noon
“Tangina, kung nakikita ka lang nung babaeng nanakit sa ‘yo ngayon maaawa ‘yon eh. Bigla kang babalikan no’n.”
Ang lungkot nun kasi nakikita ko sarili kong humihikbi. Nakikita ko sarili kong lumuluha. Ang lakas maka pelikula gagiii! Sabi ko langya ang gusto mo lang naman mahalin ka pero ginago ka ng ganun lang? Tapos grabe hinga ko no’n sobrang lalim. Sobrang tampo ako sa mundo no’n. Gusto ko ipagsigawang malungkot ako pero hindi, naging matapang ako at sinarili ko lahat ‘yon.
Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na malungkot ako dati pero pag tinanong nila kung bakit hindi ko rin sila masagot. Parang tunay na pagmamahal hindi mo maipapaliwanag. Ganon din pala pag legit na nasaktan ka, wala kang eksaktong salitang mabubuo rin pero ramdam mo ‘yong mabigat na pakiramdam na akala mo tinitinik ka sa bawat oras na maalala mo siya.
Doon ko dati naramdam ‘yong sobrang pagod. Never kasi ako napagod kapag gusto ko ‘yong ginagawa ko or mahal ko yung tao eh. Ilu-look forward ko siya palagi kasi ‘yon yong nagpapasaya sa akin. Kaya nung nawala at naisip ko na kapag natulog ako ng gabing ‘yon, mag-isa na ako kinabukasan. Di mo alam gagawin kasi nasanay kang andyan eh. Nasanay kang bawat galaw mo andyan siya.
Di ko rin alam paano ko siya nalagpasan. Nagising ako isang araw parang bigla na lang ako walang pake eh. Namanhid puso ko kasi ‘yon na lang lagi naiisip ko at nararamdaman. Nasanay na lang siguro hanggang ‘yong sama ng loob ‘yong nagpatigas sa damdamin ko. Minsan, dala-dala ko pa rin ‘yon. Pero mas pinili ko pa ring magtiwala kasi wala namang mawawala. Wala namang kinalaman ‘yong mga bagong dadating sa mga nangyari dati kaya sana huwag ipasa sa kanila ‘yong galit or sisi. Mag hope ka na lang na hindi na nila gagawin ‘yon sa ‘yo. Kailangan mong mag risk, once and for all kailangan mo ulit maniwala sa pag-ibig.